Sa BPO industry may dalawang klase lang ng empleyado.
Isang nagta-trabaho para sa sweldo. Isang nagtatrabaho para sa pangarap.
Pangarap ng mas maalwan na buhay.How to gauge? Performance. Mas may pangarap, mas may apoy magwork. Wala pa akong nakitang puno ng pangarap na tatamad tamad sa work.
Ang tanung, sino ba sa dalawang ito ang mas nag-enjoy sa bawat minuto, segundo, oras at pahanon na nilagi nila sa trabaho? Aling mindset ang haggard at stressful. Alin ang mas nakakafresh at nakakakinis ng kutis?
Sinong mas pumanget at nalosyang?
Naisip ko, lagi naman siyang nauuwi sa usapin ng heart issue. Madalas usapin din ito ng purpose at perspective. At dapat andun lagi si God sa equation. Yun ang sekreto ng successful na worker.
Proverbs 29:18 says: Where there is no vision, the people perish.."
Kaya during coachings and team huddles ko, just to make or emphasize a point madalas na ikumpara ko ang agents ko sa karpintero, magbabalut, magtataho, construction worker.
Minsan sa mga snatchers, mandurukot, lahat ng bagong gang martilyo gang, riding in tandem, dura dura gang, laglag barya gang kahit pa laglag panty. Hanggang minsan pati illegal recruiters, G.R.O, Boldstars, agogo dancers at pati prostitute sinasampol ko.
Bakit? Lahat ng binanggit ko mula snatchers hindi nila pinili ang trabaho na yun pero hinusayan nila. Ang mga yan pinaghandaan, nirehearse at pinerfect nila yung craft nila. May sense of commitment, dedication at passion.🤔 Yung karipas ng takbo ng snatchers di ba. pang Olympics. 🏃♂️
Lagi kong linya sa agent kong reklamador at naga-attitude " Ang karpintero would trade a day with you anytime. Kayo maghalo ng semento at magbuhat ng hollow blocks sa tirik na araw at sila dito sa aircon, malambot na chair at free coffee" Minsan pag bagsak ang performance, I asked them to challenge their hearts "Yung taong grasa ba yan ang goal nun sa buhay ang maging tao grasa hindi di ba? Ikaw din hindi ka nilikha ng Dios para maging doormat ng 60 agents pang #59 ka!" The next day ayun laban din si agent.
Di ba nga, ang mga bagong recruit na sindikato ibang level ang excellence. Nakakamangha kasi di ba illegal yun at buwis buway pero todohan sila. Pang-diinan ang performance.
Anu bang motivation ng mga ito?
Yung hugot na willing tigukin ang kapwa makanakaw lang.Bakit yung ibang empleyado sa BPO. Tanungin mo "Madali ba trabaho?" sasagut ng "OO" without batting an eyelash pero un performance score nila pag sinilip mo para kang dinala sa Marawi after war.
Nakakadepress.
Parang gusto mong gayahin si Maricel Soriano at sabihin sa agent na:
"Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!" - sa pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit, 1984Yung performance na palugi. Parang mas malamig pa sa kaning lamig makipagusap kay customer.
Wala pa yata akong nakitang mandurukot na mabagal ang kamay. Hinuhusayan din nila. Pag pasmado ata sa kanila di puwede. Hindi talaga naramdaman na may nadukot na sila. Minsan ka lang makakalusot- pag amateur pa. Hindi pa ganun kaprofessional. Bagito pa.
Yung mga holdaper at snatchers na ito, 5:45am nasa kalye na ng EDSA. Di ko alam kung may pa-attendance din sila. In fairness to them, naniniwala sila sa kasabihang "Early bird catches the worm". Bawal yata ang malate sa kanila. Imagine, ang team work nila, pagsakay ko ng bus sa Edsa Megamall. Hinarangan na ako ng isa na ang tagal umakyat akala ko may pinagdadanan lang at nalaglag ang battery ng phone kunwari pagtalikod ko. Aba yung kamay nung kasama niya nasa bulsa ko na. Tulog at wala pa ako sa diwa ko mabuti na lang alerto ako at anjan ang protection ng "guardian angels" ko. Sabi ko "huy cellphone ko yan ah" hindi naman niya dineny. 🤗
Unsuccessful.
Bilib lang ako sa teamwork nila. Grabeng preparasyon siguro ito- may dibdibang rehearsal. Sa mga miyembro at ex-member ng sindikato PM niyo na lang ako to confirm ha. Para walang laglagan.
Balik tau dito sa ibang BPO employees. Hindi dinibdib ng iba trabaho nila. Mga lalake at babaeng marangal naman ang work pero hindi tinotodo eh. Hindi buwis buhay.
Yung mga snatchers kaya pag hinahabol ng taumbayan at ng mga mamang pules mahihiya si Lydia De Vega, the Asia's Sprint Queen. Ambibilis. Minsan kuma-counterflow pa sa EDSA. Paano mo hahabulin eh tumawid sa highway ang mga ungas.
May mga mandurukot bang madyubis? Di ba fit halos lahat syempre pag medyo bilugan ka lugi business. Mas madalas ka pa tubusin ng sindikato kesa ang kumita sila.May konsepto din sila ng work life balance. Mukhang namang sagana sa workout ang mga mokong.
Pero di ba ang bibilis tumakbo ng mga kumag eh itong mga agents minsan AHT sa calls hindi mabilisan. Sa parlor nga pabilisan ng gupit para mas kumita parlor kasi kung ang daming kuda luge. Yung ganun bang konsepto.
Wala namang business na gustong maluge.AHT Defined - Average Handle Time. Number of Calls /Calls Received per day.
Minsan, lumalabas din talaga selfish nature ng ibang tao. Puro tungkol sa sarili nila. Wala man lang malasakit sa employer at mga tao sa paligid nila.
Nakakadepress din makita un marangal ang work hindi man lang husayan ang performance. Yung mga illegal, sila yung todo todo ang performance.
Di ba yung mga illegal recruiter ang huhusay magsalita at magkwento akala mo totoo. Walang kabuckle-buckle sa katawan. Kasi isang palya lang nila magdududa na un mga kapwa natin pinoy na nagsanla ng kalabaw sa pag-asang may work sila sa abroad. Only to find out na ilusyon lang yun na binigay ng Illegal recruiters sa kanila.
Dapat itong mga illegal recruiters ang ilagay sa sales driven na account sa BPO. Papalu sa incentive itong nga ito. Ang gagaling magsalita. Hindi mo na sila kailangan turuan ng konsepto ng rapport at human connection. Matic na yun.
Talent yun eh. Maling channel lang napuntahan.Lahat tayo, illegal man o hindi nagwowork kasi kailangan mabuhay. Maitaguyod ang sarili at kani-kaniyang pamilya. Magkaiba man ng paraan pero bakit mas hinusayan nila? What's the challenge?
Malamang, sawa na din sa hirap. Nakakapanget naman kasi ang kahirapan.
Naranasan ko noong pa bata ako na mag-ulam ng kape na sinabaw sa kanin. Sa bisaya "tinughong" ang tawag, ayuku ko ng maulit un. Araw araw yun brunch mo. Biruin mo noong inulam ko Oishi yung tagpipiso sa kanin minsan kala mo Baliwag Lechon manok ang levelling. Naalala kong tumirik pa yung mata ko sa sarap. 😣 Kaya sabi ko, naku next generation ng family namin hindi na dapat ganito.Sagana naman grace ni God.
#BPOtruetolifestories ✍