Enjoy reading guys.
Hope you like it.
------------------------------------------------------
Masaya akong pumasok sa school dahil nagparamdam na sa akin si Callie.
Malapit na ako sa School pero may napansin akong babae na nakabackpack, nakasuot ng itim na t-shirt habang nakablack pants and converse shoes. Napatigil ako sa paglalakad dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit, bigla akong naexcite na kinakabahan dahil malakas ang pakiramdam kong si Callie ang taong nakikita ko. nasa pedestrian crossing ito. Cool lang sya nakatayo, hindi ako makapaglakad papunta sa kanya, bigla akong naglue sa kinakatayuan ko.
Ano pa bang ginagawa mo Frea? Move... nasa ilang dipa na lang yung taong gumugulo sa isip mo.
Bigla akong natauhan at lalapit na sana kanya ng mapatigil ako at mas lalong napahanga sa kanya dahil sa ginawa nya...
She was helping an old woman to carry the stuffs that she was holding, inalalayan nya tong tumawid habang hawak nya sa right hand nya ang basket ng Ginang na naglalaman ng groceries nito.
Diko mapigilan ang sarili kong mapangiti, dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.
"Kay buti mo namang bata ineng, salamat sa pagtulong sakin ha." -- mahahalata ang sobrang tuwa sa boses ng matanda.
Tango lang naman ang naging tugon ni Callie, kaya hindi ko maiwasang mapailing.
Ang damoy naman nitong ngumiti.. sabi ko sa isip.
"Saan po ba ang punta nyo Tanda?" -- tanong nito ng makatawid ang mga ito.
Napafacepalm ako sa narinig kong tawag nito sa matanda.
Napatawa ang matanda at hinaplos nito ang mukha ni Callie.
Parang nabigla naman si Callie dahil sa ginawa ng matanda.
"Don't touch me, I hate that." malamig na sabi nito.
Ngumiti lang ang matanda at hinawakan ang kamay ni Callie.
"Mabait kang bata (sabay ngiti nito), bueno, ayos na ako dito, malapit na ang bahay ko, salamat sa tulong ineng ha?" sabi nito sabay haplos ulit nito sa mukha ni Callie.
Tango lang ang sagot nito.
Kinuha na ng matanda ang basket at naglakad nato papalayo.
Nakatalikod sa akin si Callie at nakatayo padin ito sa pwesto nito. Napatingin naman ako sa relo ko, 5:30 pa lang kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ito mula sa likod nito.
Naramdaman ko ang paninigas nito sa katawan dahil sa ginawa ko. Lihim akong napangiti.
Mabilis namang kumalas ito at humarap sakin.
"Hi.. Callie." -- masayang bati ko dito sabay ngiti.
Napakuno ang noo nito pagkakita nito sa akin.
"Hey! It's me, Frea." natatawang sabi ko.
"I know." -- malamig na sabi nito.
Napassimangot naman ako, sobrang saya ko kanina kasi after a month nakita ko na sya tapos hindi pala sya masaya na makita ako.
Napabuntong hininga ako bago ngumiti ng pilit.
BINABASA MO ANG
The Warmth of your Darkness (COMPLETED)
Romance*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. Dahil sa pagiging pagkamisteryosa mo mas nagkakainterest ako sa iyo. Hayaan mo lang a...