XXVII.

2.8K 91 3
                                    


I tried guys... Hope you like it!


Enjoy Reading!



XoXo.



-----------------------------







Limang araw... Limang araw kong di nakita si Callie... Araw ng Sabado ngayon at nagkukulong sa kwarto ko,  namimiss ko sya,  ang presensya nya,  ang amoy nya at ang yakap nya...  I miss everything about her,  nakakawalang ganang lumabas ng bahay kung hindi ko man lang sya kasama... Nag eemote ako sa kwarto ko nang biglang sirain ito ng mga kaibigan ko,  napansin kasi nila ang pagiging matamlay ko sa mga nakaraang araw,  kahit di ako nagsasalita,  alam kong alam nila ang dahilan.  Napansin din kasi nila na di ako sinusundo ni Callie sa mga nakalipas na araw. Na-appreciate kong nandito sila para pasayahin ako. Sadyang tinatamad lang ako sa araw na ito.


"Tara na kasi sa Mall Frey,  wag ka ng magdrama jan. " -- kulit sa akin ni Gian,  actually nakailang sabi na yan sa akin pero di pa din nagbabago ang mood ko.


"Hayaan mo na,  dito na lang tayo today,  magmovie marathon na lang tayo." -- suhestiyon naman ni Kaye ng mapansin nyang wala akong ganang lumabas.

Nginitian naman ako ni Nina na tahimik na nakaupo sa may upuan sa loob ng kwarto ko. Ginantian ko naman ito ng matamlay na ngiti.

Pinapanood ko sina Sam at Jora na nagtatalo kung ano ang papanoorin namin habang si Kaye inaayos ang mga kakainin namin,  tahimik naman sina Gian at Nina na magkatabi sa upuan, parang di okay sina Nina at Gian,  feeling ko may problema sila...  Gusto ko silang tanungin pero wala kasi ako sa mood,  nalulungkot ako sa mga araw na di ko nakasama si Callie,  idagdag mo pa ang madalang naming tawagan at textsan,  nasabi nya sa akin na busy lang sya sa work at may importanteng kliyente kaya naiintindihan ko,  pero diko pa din maiwasan ang malungkot... Namimiss ko kasi sya. Napabuntong hininga ako sabay dampot ng cellphone ko para tignan kung may message na sya,  pero malungkot akong napatingin sa conversation namin... Wala pa din syang tugon sa mga text ko sa kanya,  kinakumusta ko sya at sinasabing miss ko na sya... Ayaw ko naman na masakal sya sa akin kaya diko ipinaparamdam sa kanya na malungkot ako. Sana di nya pinapabayaan ang sarili nya.


"Kanina ka pa naapabunting hininga jan ng malalim, magpaparamdam din yan mamaya." -- pamalakad ng loob naman na wika ni Kaye sa akin.


Tumango na lang ako at pinilit bumangon para mag ayos ng sarili.



"Naligo ka na ba? " -- tanong sa akin ni Jora ng sumuko na ito sa pakikipagtalo kay Sam.


"Maliligo na,  nakakahiya naman sa mga magaganda kong kaibigan. " -- pilit na biro ko sa kanila.


Bigla naman silang lumayo sa akin at napapatakip pa sa ilong,  minsan talaga ang o-OAng mga ito kaya napatawa at napailing na lang ako sabay dampot ng isusuot ko sa kabinet at tuwalya ko.


Makalipas ang sandali ay nakaligo na din ako at nakaayos na ng sarili,  tahimik naman ang mga kaibigan kong nanonood ng pelikula,  nakailang ulit na kami sa TITANIC pero napapaiyak pa din talaga kami,  talagang si Sam adik na adik dito . Nakisali na ako sa tabi nila at nakinuod na rin.  Yung part na magpapakamatay na si Rose at kinukumbinsi na sya ni Jack na huwag magpakamatay,  nakakakilig talaga sila,  ang lakas ng chemistry. Napangiti ako kahit papaano. Napatawa ako na ng makitang sobrang iyak na ni Sam sa part na lumulubog na ang barko, grabe din kasi ang pinagdaanan nila,  ang daming namatay at nawala, nakakalungkot lang. Sana nabuhay si Jack,  sanan nagpakasal sila,  sana nagkaanak sila ni Rose. I really love their story kahit na namatay si Jack, i know sa heaven sila ang magkakatuluyan. Their love is so genuine,  true love. I'm wishing na sana kami na ni Callie forever pero ang gusto ko wala munang mawawala sa amin,  kailangan ikasal muna kami at makabuo ng isang pamilya. Napangiti ako sa kaisipan na makakasama ko si Callie habang buhay at magiging isang ganap na pamilya.



The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon