XXXVIII.

2.3K 77 6
                                    

Kamusta kayo?

Sorry.


--------------


"Nakakatampo ka na Frea. " -- usal ni Sam habang maarteng umupo sa sofa namin dito sa sala, napabuntong hininga ako at napangiti ng tipid. My friends are here in my house, I don't know, basta pumunta na lang sila dito, pero masaya akong nandito na sila, namiss ko din tong mga lokaloka kong kaibigan. Napatingin ako sa kanila habang tutok silang nakatingin sa akin, diko alam pero namimiss ko na kasi si Callie, I thought okay na ang lahat pero 2 weeks na ang nakakaraan matapos namin pumunta ni Callie sa province namin para makausap sila Kuya. Masaya ako na okay na ang lahat eventhough alam kong hindi pa mapapatawad ni Callie si Kuya.  After nun hinatid nya ako sa bahay then wala na,  di na nagparamdam sa akin si Callie.  Naisip ko na baka kailangan nya ng space kaya hindi ko sya kinukulit,  hinihintay ko sya na magparamdam sa akin.  Hinihintay ko sya na maging okay sya , hinihintay ko sya kahit ramdam ko na ang sobrang sakit sa paghihintay sa kanya.  She's very complicated to understand,  hindi nya alam kung paano nya ako nasasaktan sa mga ganitong ginagawa nya. Di ko namalayan na nasa harapan ko na si Gian at pinupunasan nito ang namuong luha ko,  napailing ako at pinilit na ngumiti sa harapan nila. But yeah,  it's too late,  nakita ko sa mga mukha nila ang pag aalala at lungkot dahil sa sitwasyon ko. Nina silently hug me and dun ko na naibuhos ang pag iyak ko,  tahimik lang silang lahat at naramdaman ko ang pagyakap nila sa akin dahilan para mas mapaiyak ako.

"Stop crying MVP" -- malungkot na pag aalo sa akin ni Gian.

"I really don't want to see you like this. " -- maarteng wika naman ni Sam pero halatang nagpipigil ng iyak.

"Minsan lang natin makita ang ganitong Frea,  let's comfort her guys or maybe we should hang out? " -- suhestiyon naman ni Kaye dahilan para mapatango naman sila.

"Everything's gonna be alright unni, ooljima,  jebal. " -- malungkot na wika naman ni Nina habang hinahagod nito ako sa aking likuran.

(A/n: Ooljima - Stop crying ; jebal - please)

Ramdam ko yung bigat at sakit sa puso ko pero habang nandito ang mga kaibigan ko at sinasamahan ako, diko maiwasan ang makaramdam ng saya. Masaya ako na nakilala ko sila,  masaya ako na nandito sila eventhough hindi ako ganun kaopen sa kanila,  nandito pa din sila para sa akin,  nandito sila para damayan ako at nandito sila dahil alam kong kailangan ko ito.

"Can you guys accompany me to go at Callie's place? " -- nahihiyang wika ko habang pinipigilan ko na ang pag iyak.

Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni Gian,  I know she hate her dahil alam nyang sya ang dahilan ng pagiging weak ko.

"No." -- matigas na wika nito sabay alis sa harapan ko at lumabas ng bahay,  hinawakan naman ako sa kamay ni Nina at nginitian ng tipid bago nya sinundan si Gian.

Napabuntong hininga ako.  Namimiss ko na sya and gusto ko na syang makita.

"Anong nangyari ba sa inyo? " -- nagtatakang tanong ni Jora habang nakaupo ito sa tabi ni Sam na nagpupunas ng luha.

"It's a long story." -- napapabuntong hininga na sagot ko.

"Come on  Frey, kailangan mong sabihin sa amin, ayaw kong nakikita kang ganyan." -- malungkot na usal ni Jora.  First time kong nakita syang hindi masaya. She's a very jolly person but now she looks so sad and very worried about me.

Napatingin ako kay Kaye, napatango ito bilang pagsang ayon sa sinasabi nila Jora at Sam. Alam kong may alam na si Kaye pero I know hindi pa totally. Pagbalik ni Nina at Gian ay doon ko na kwinento sa kanila ang lahat ng nangyari.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon