VII.

3.7K 133 5
                                    


Nakaramdam ako ng hiya at inis ng bigla nya akong tinulak...



Ayun na eh.. kinikilig na ako tapos bigla kang itutulak, parang ang sama ng ginawa ko at bigla akong itulak... ang OA din talaga nitong si Callie eh..



Tinignan ko sya ng masama...



Umiwas lang to ng tingin sa akin, sabay pout.



Halla... bigla akong napangiti ng bigla syang mag pout, parang bang may kumikiliti sa puso ko, Oh-em... anong ginagawa mo sakin Callie? Dapat galit ako sayo, wag mo ako idaan sa pagpapacute mo.



"Wag ka ngang magpacute." -- inis na sabi ko.



Tumingin naman sakin si Callie habang nakakunot ang noo.



"Anong sabi mo?" -- may inis sa tono nito.



"Narinig mo na nga papaulit pa, maganda ka nga pero bingi naman" -- bulong ko....



"Naririnig kita." -- sabi nito.



Yung kilig ko kanina nawala na... nabura na. Dahil napakainsensitive ng taong kasama ko, ang sarap nya pong batukan.



"So bakit moko dinala dito? Anong pag uusapan natin?" -- pag iiba ko ng usapan dahil ayaw kong mauwi sa wala tog araw na ito. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita, hayyy...



"Hindi ako nagpapacute."



Napakurap kurap ako habang nakatingin sa kanya....Oh-em... mga 5 mins. na ang nakalipas, ngayon lang sya nagreact dun...



Diko napigilan ang sarili ko na tumawa kaya nakatanggap ako ng sobrang talim na tingin kaya napatigil ako sa pagtawa.



Pilit kong hindi tumawa at napapatingala na lang ako para di matuloy yung pagtawa ko...




Nung naramdaman kong okay na ako, nakangiti akong tumingin sa kanya...\



"Para kang tanga." -- sabi nito.


The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon