XVII.

3.1K 109 1
                                    

I can't promise anything but I feel so grateful to you guys who appreciated TWOYD. Sana hanggang sa huli magkakasama tayo. Thank you!

Enjoy reading!

------------------------------------------------------------------------------------------

It's been 3 days since yung paghalik ni Callie sa noo ko and hanggang ngayon kinikilig pa din ako... Iba din pala pag naging sweet ang isang Callie... Diko mapigilan ang sarili kong magpagulong gulong sa higaan ko habang inaalala yung eksenang yun...

 ~~ F L A S H B A C K ~~

Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng maramdaman ko ang labi nya sa noo ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa ni Callie... hiindi nya alam kung paano nya ginugulo ang pagtibok ng puso ko, kung ano ang epekto nya sa buhay ko. And I feel so happy kasi nandito sya ngayon sa tabi ko... unti unti ng lumalambot si Callie sa akin pero sana maging open na sya sa akin dahil gustong gusto ko na syang makilala ng lubusan... ang buo nyang pagkatao.

"I'm so proud of you." -- usal nito bago bumababa ng sasakyan.

Callie anong ginawa mo sa akin?

Napahawak ako sa noo ko kung saan nya ako hinalikan... unti unting akong napangiti at napatakip ng mukha, biglang uminit ang magkabilang pisngi ko... ang late reaction ko bwisit pero sobrang kinikilig ako... ang lakas ng loob ni Callie na pakiligin ako ng ganito, dapat panagutan mo ito Callie.

"Let's go" -- yaya sa akin ni Callie, pinagbuksan nya pala ako ng pinto. Ang Gentlewoman naman ng future Girlfriend ko. Hiindi ko maiwasan kiligin sa naisip ko na... future girlfriend ko ang napakacool na si Callie.

"Bakit namumula ka?" -- tanong nito.

Napayuko ako at lumabas na ng sasakyan...

"Wala.. tara na." -- natatawang sabi ko sabay hawak sa kamay nya.

"Oh... " -- usal nito kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin ito sa kamay naming magkahawak.

"May problema ba?" -- nag aalalang tanong ko.

"Natatakot ako." -- sabi nito.

Nagtaka ako dahil bigla sa sinabi nito...

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko pa ang isang kamay nito... napatingin ito sa akin.

"Wag kang matakot, I'm here." -- sabi ko sa kanya kahit hindi ko alam kung saan sya natatakot.

Napabuntong hininga ito at ngumiti ng tipid.

"Kalimutan mo na lang yung sinabi ko." -- sabi nito sabay bitaw sa kamay ko at nauna na syang maglakad.

Napatiingin ako sa likod nito... hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may problema sya... na may pinagdadaanan sya.

"My Callie is back... the old Callie." -- usal ko at mabilis na hinabol si Callie.

~~ E N D  O F  F L A S H B A C K ~~

Nang nasa school na ako ay nakaabang sa akin ang mga kaibigan ko... napailing ako dahil alam kong gusto na nila akong magkwento about sa amin ni Callie.

"So ano na?" -- tanong nila Kaye sa akin habang nandito kami sa may field waiting for our next Subject.

Naikwento ko naman na sa kanila kung saan ko unang nameet si Callie at kung ano ang nararamdaman ko sa kanya...

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon