"Callie !" -- wala sa sariling bigkas ko .
"I miss you ." -- wika nito at hahakbang sana sya palapit sakin pero diko alam kung bakit napaatras ako . Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa aking ginawa .
"What's wrong ? " -- naguguluhan na tanong nito . Napailing ako at napatakip sa bibig gamit ang aking kanang kamay . Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon , nabigla ako dahil nandito na sya ngayon sa harap ko , sa loob ng dalawang taon ngayon bigla syang nagpakita.
"Bakit di ka nagparamdam sakin ?" -- matigas na tanong ko sa kanya .
Matagal syang di nakasagot at nakatingin lang ito sakin waring inaaral ang bawat expression ng mukha ko .
"Ayaw kong mag alala ka sakin , ayaw kong lagi ako ang iniisip mo , ayaw kong maging hadlang para sa mga pangarap mo. Gusto ko magfocus ka sa kinabukasan mo kaya hindi ako nagparamdam . Alam ko naman na hihintayin mo ako at alam mong babalikan kita ." -- sagot nito sakin .
"Sa tingin mo napasaya mo ko sa ginawa mo ? Sa tingin mo hindi mo ako nasaktan ? Sa tingin mo tama ang ginawa mo ?" -- may galit na tanong ko dito . Napayuko ito dahil sa pamamaraan ng pananalita ko . Diko maiwasan ang makaramdam ng kirot sa bawat salitang binibigkas ko sa kanya .
"I'm sorry hindi ko alam na ganun pala ang dating sayo ." -- mahinang wika nito sa akin .
"Callie naman !! " -- puno ng inis na sambit ko . "Pano mo natiis na di nagparamdam sa akin sa loob ng dalawang taon ?! Alam mo bang mamamatay na ako dito kakahintay sayo ? Mukhang tangang naghihintay na magtext ka sakin o tumawag ? " -- galit at pigil iyak na wika ko dito . Diko na napagilan ang pagbuhos ng luha ko dahil sa sama ng loob sa kanya . Masaya ako na nandito sya pero diko maiwasan ang magalit at mainis dahil sa mga maling desisyon nya .
"I'm sorry , di mo alam kung gaano kita namiss Frey, nag utos ako ng tao ko para bantayan ka, sya nag nagbibigay ng detalye sakin nung mga panahong wala ako. At masaya ako dahil natupad mo ang mga pangarap mo." -- usal nito sabay tingin nito sa akin .
"Pwede bang pag nagdecide ka , isipin mo muna kung ano ang mararamdaman ko bago mo gawin ?" -- wika ko dito habang umiiyak . Matagal itong natahimik at nmnakita ko ang pagdaloy ng luha nito .
"Hindi ganito ang ineexpect kong pagkikita natin" -- di makapaniwalang usal nito .
"You're always hurting me ." -- humahagulgol na usal ko .
"I'm sorry , you know that I hate seeing you hurt . And now , I end up hurting you again . I really don't deserve you ." -- biglang usal nito kaya napatingin ako sa kanya kahit na patuloy na dumasaliy ang luha ko .
"You told me . IIf magdecide ako dapat isipin ko ang mararamdaman mo . I think much better if aalis na lang ako sa buhay mo .Hindi ako makakabuti sayo, lagi na lang kita nasasaktan." -- seryosong wika nito habang tumutulo ang mga luha nito. Napailing ako , hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig nya . Kakasabi ko palang na isipin nya muna ang mga desisyon nya bago nya sabihin at gawin sakin at heto sya naisip nya ang mas makakapasakit sa damdamin ko .
"Birthday mo pa naman . Sinira ko pa . I'm sorry ." -- wika nito at tatalikod na sana syang mabilis ko syang hinabol at niyakap sa likod nito . Naramdaman ko ang paninkgas ng katawan nya at ang mahinang paghagulgol nito . Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at di maiwasan ang mapaiyak dun . I really miss her .
"Your decision just broke my heart again" -- nagtatampong wika ko.
"Diko na alam ang gagawin ko Frey . " -- nawawalan ng pag asang usal nito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Warmth of your Darkness (COMPLETED)
Romance*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. Dahil sa pagiging pagkamisteryosa mo mas nagkakainterest ako sa iyo. Hayaan mo lang a...