XLII.

2.2K 63 4
                                    

"I'm going to fetch someone in the Airport Love ." -- paalam sa akin ni Callie . Yayain ko sana syang lumabas pero bigla syang nagpaalam sa akin .

"Sino susunduin mo ?" -- curious na tanong ko , wala naman akong ibang alam na malapit kay Callie para may sunduun sya sa Airport .

"Someone's special to me ." -- masayang sagot nito . Di ko maiwasan magtaka kung sino ang tinutukoy nya , nakaramdam din ako ng selos dahil may taong special kay Callie bukod sa akin .

"Sino yan ?" -- takang tanong ko , diko pinahalata na nagseselos ako , ayaw kong masakal sya o mag away kami dahil lang sa pagseselos ko sa isang taong espesyal sa kanya . Ayaw kong isipin nya na sa mga konting bagay lang nagtatampo o nagseselos na ako .

"Secret , ipapakilala ko sya sayo mamaya ." -- pamisteryosong sagot nito sabay yakap nito sa likuran ko . Sa yakap nyang yun ay nawala bigla ang selos ko sa taong susunduin nya sa Airport . Marupok talaga ako.

"Saglit lang ako Love then after this kain tayo sa labas , yayain ko din si Maricar , ayos lang ba ?"-- nagpapaalam na tanong nito sa akin . Of course ayos lang sa akin , Maricar is a good friend of mine pero nacucurious ako kung sino yung espesyal na tao kay Callie .

Napatango naman ako "Ou naman , walang problema sa akin kung may kasama tayong kakain sa labas lalo na kung si Maricar pa yan at yung Special na tao para sayo" -- usal ko , medyo may diin lang sa huli kong sinabi , tahimik akong humiling na sana hindi nya napansin at nahihimigan ang pag iba ng tono ko.  Naalala ko tuloy yung kausap nya ng madaling araw nung nakaraan.  Sya siguro yun?

Kumalas sya ng yakap sa akin at hinalikan ako sa noo . Nagpaalam na ito at baka mahuli pa daw sya sa susunduin nya . Napatango na lang ako at ngumiti sa harap nya hanggang sa makalayo na ang sasakyan nya . Nawala bigla ang mga ngiti sa labi ko ng makaalis na sya . Diko maiwasan ang makaramdam ng selos dahil sa may iba pang espesyal sa buhay ni Callie .

"Frea wag kang selfish , dapat masaya ka kasi marunong ng makihalubilo at makisama ang girlfriend mo" -- pangangaral ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin . Habang wala pa  sina Callie ay naisipan ko munang magjogging sa Park , maghahapon na kaya nagmadali na ako ayaw kong abutin ng dilim sa labas . Nagbihis na ako ng sports bra at jogging pants bago lumabas ng bahay , sinet ko na muna yung smart watch ko sa may braso ko at nagsuot ng earphone bago magpatutog ng musika at magsimulang magjogging , nakakailang metro na ako ng may lumapit sa akin na babae at nakisabay sa pagjojogging . Hinayaan ko lang sya at di pinansin , diko naman binabalik yung pagiging snob ko wala lang talaga ako sa mood para makipag usap sa iba . Napapansin ko yung pagsulyap nito sa akin pero hindi ko na lang sya binigyan ng pansin . Nang mapagod ako ay umupo muna ako sa upuan dito sa may park at nagpunas ng pawis . Diko ineexpect na may lalapit sa akin kunot noo akong napatingin sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanya at diko narinig yung sinabi nya kaya tinanggal ko yung earphone ko . Mas lumawak ang ngiti nito ng mapansin nyang nakaearphone pala ako.  Doon ko narinig ang mahinang tawa nito, isang malambing at mahinhin na tawa.

"I'm sorry to interrupt you Miss.. " -- napapakamot sa may batok nito habang nahihiya ang tono nito.  Napangiti naman ako sa kacutan ng tao sa harap ko.

"Frea. " -- wika ko dahilan para mas mapangiti ito.

"Kanina pa kita gusto makausap,  wala kasi ako kakilala dito and I'm just a new here in this place. " -- mahinhin na wika nito.  Napakunot naman ako sa noo,  pero.. Bakit ako?

"By the way,  I'm Shane Lei" -- pagpapakilala nito sabay ngiti,  nawala tuloy yung mga mata nito dahil sa pagiging singkit nya.  Napangiti ako,  she's really cute. Nakipagkamay naman ako sa kanya,  her hand is so soft and she smells like stawbrry.  But my Baby Callie natural smell is my Favorite it smells like a baby.  Nang maalala ko si Callie ay napaisip ako kung nasaan na sya,  mahigit isang oras na syang wala. Bumalik ako sa ulirat ng tumikhim si Shane.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon