SPECIAL CHAPTER.

2.4K 70 8
                                    

"Honey come here." -- sigaw ko ng makita kong masyado na syang nag eenjoy maglaro sa may lupa dito sa Playground malapit sa compound namin.

"Let her be Love." -- malambing na usal ni Callie sabay yakap nito sa akin. Napabusanhot naman ako pero hinawakan ko naman ang mga kamay nitong nakapulupot sa akin.

"She's enjoying her freedom today huh." -- napapailing na usal ko.

Hinalikan naman ako ni Callie sa pisngi.

"I want her to experience all this things Love. Gusto ko maranasan nya lahat ng hindi ko naranasan nung bata ako. I feel so happy to see her like this." -- nahihimigan kk ang saya sa boses nito pero nakuha pa din ng pansin ko ang panghihinayang sa tinig nito. Hinarap ko naman sya ng hindi nya na aaalis ang pagkayakap sa akin. Dinampian ko ng halik ang kanyang mapang akit na labi.

"You want to play with me baby?" -- biro ko sa kanya. Narinig ko naman ang napakaganda nyang tawa kaya pinisil ko ang pisngi nito.

"Thank you Love,  hindi kapa din nagbabago. Patay na patay ka pa din sa akin." -- seryosong usal nito sabay ngiti nito kaya napalo ko ito sa braso. Napabitaw naman to sa akin at tumakbo papalayo kaya hinabol ko sya. Akala nya hindi ko sya mahahabol? Ako kaya si Frea. Napangisi ako ng makita kong napalunok ito.

Sobra ang tawa ko ng matapisod ito kaya nahuli ko sya. Narinig ko naman ang mahinang daing nito kaya nawala bigla ang tawa ko.

"Shit. Baby are you okay?" -- nag aalalang tanong ko dito.

"Masakit tuhod ko Love." -- mahinang usal nito. Tinignan ko naman ang tuhod nito at nakita kong namumula ito. Hinipan ko naman at pinagpag ang dumi na nakadapo doon.

"Dapat tinitignan mo kasi ang tinatakbuhan mo, nakita mo na ang nangyari?" -- panenermon ko sa kanya. Nang wala akong makuhang sagot dito ay napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang ito habang may ngiti sa labi.

"Ganito pala ang pakiramdam. Kahit nasa 30 na ako atleast naranasan ko ang madapa at may isang taong kagaya mo ang humipan sa tuhod gaya ng napapanood ko sa palabas. Iba pala sa pakiramdam Love." -- amaze na amaze ang tono ng boses nito. Hindi ko alam pero biglang naging emosyonal ang puso ko dahil sa sinabi nya. Inalalayan ko naman itong tumayo at inayos ang damit nya.

"I'm really your baby Love." -- dugtong nito sabay yakap sa akin.

"Of course,  you will always be my baby Callie." -- malambing na wika ko dito.

"Hmmpft,  how about me?" -- nagtatampong singit ng anak namin. Nabaling naman dito ang tingin naman at natatawang Binuhat ni Callie ang Honey naman.

"Of course,  you're our one and only Princess Honey. You just need to accept that I'm the first baby of your Mommy." -- wika naman ni Callie kaya napailing ako. Niyakap ko silang pareho at binigyang ng halik sa pisngi

"Are you done playing honey?" -- tanong ko dito.

"Well Not yet Mommy,  I want to play more but I just remember that I've a class tomorrow." -- malungkot na usal nito.

"It's okay honey. You can still play inside our house after class." -- tugon naman ni Callie.

"Ya!  Tara na." -- tawag ko naman sa katulong namin sa pag aalaga kay Clafea Shara Martinez, ang aming anak.

"Opo Ma'am." -- tugon nito sabay kuha ng gamit ng Honey namin.

"But Mama, I want to play with the kids." -- pagtanggi nito.

Ang bili ng panahon,  ang anak namin is already 8 years old,  feeling ko ang tanda ko na. Sa ngayon ay wala pa kaming balak na sundan si Clafea (Clafeya), ako ang nagbuntis sa anak namin, at sa New Zealand ko sya pinagbuntis noon at doon ako nanganak. Masaya ako na kasama ko si Callie sa oras na iyon. Madami na ang nangyari and I can't believe that Callie is already 35 years old while me is 33 years old. Pero ang ganda ng aking asawa ay ganun pa din,  maganda pa din sya at syempre hindi mawawala ang pagiging abnormal nya minsan. Natawa ako kapag naiisip ko ang mga joke nyang walang kwenta at mas lalo na sa mga biglang banat nya na syang nagpapakilig sa akin. She's totally fine and I'm proud of her. Whenever she remeber her mom, ngiti na lang ang nakikita ko sa kanyang labi, napatawad na nya ang kanyang sarili. Hindi na nya nasasaktan ang sarili di gaya nung hindi pa kami mag asawa. Malaki talaga ang pagbabago kay Callie simula ng nagpakasal kami.

"Okay baby but before that you need to ask your Mommy if she will allow you to play outside. A'right?" -- wika naman nito.

Napabusangot naman si Clafea ng mapatingin sa gawi ko. Mas strict ako kumapara kay Callie,  kung gaano kaluwag si Callie ganun naman ako kastrict kay Clafea,  diko lang kasi maiwasan ang mag alala,  ayaw ko lang na napapahamak ang anak ko kaya ganito ako kastrict sa kanya. Kinuha ko naman si Clafea kay Callie.

"Honey you know that I love you,  right?" -- malambing na tanong ko dito. Napatango naman sya.

"My baby is already a big girl,  ang bigat mo na." -- biro ko dito napangiti naman ito sabay halik sa pisngi ko.

"Mom I love you too so much so please allow me to play outside." -- nakapout na wika nito. Napakacute naman ng anka ko yung pagiging seryoso ng mukha nya ay nakuha nya kay Callie pero hindi naman sya supalada at mailap sa tao. She's friendly which hindi ko nagawa noon. Masaya ako na hindi nya yun nakuha sa amin ni Clafea

"Hmm.. I'll think about but make sure you're doing good in your school." -- sukong tugon ko dito.

Nagliwanag naman ang mukha nito at pinaliguan ako ng halik sa mukha. Nakita ko naman ang saya sa mukha ni Callie habang nakaakbay sa akin.

"Yes mom,  no worries. I'll make sure that." -- ngiting usal nito.

Nang makarating kami sa bahay ay sinabihan ko si Yaya na paliguan si Clafea dahil sa nadumihan ito sa paglalaro kanina.

"Live you're really a great Mother tp our daughter." -- proud na proud ang mukha ni Callie.

"And so you too Baby." -- nakangiting usal ko din sabay kandong sa kanya sa may sofa.

"I didn't know we can still be cheesy at this age." -- natatawang wika nito.

"Of course,  kahit maging kulubot na tayo at puti na amg buhok natin magiging sweet at ipaparamdam ko pa din sayo na mahal na mahal na maha kita." -- malambing wika ko sabay halik sa labi nito.

"That's too sweet Love. Feeling ko matutunaw na ang puso ko." -- wika nito,  napatawa naman ako dahil seryoso ang mukha nito habang sinasabi ang salitang yun. Akala mo naman pangkaraniwang salita lang yun.

"Will you still do that to me?" -- tanong ko naman dito habang hinilig ko naman ang ulo ko sa balikat nya.

"Ou naman Love. You're the only reason why I'm still here. Kahit sa kabilang mundo or to our next life ikaw lang ang mamahalin ko. I will find you." -- natatawang wika nito dahil sa huling sinabi.

"So cheesy but you never failed to flattered me." -- tudyo ko dito.

"You too love birds." -- wika ng anak namin sabay upo nito sa tabi namin kaya umayos ako ng upo.

"I'm happy that you are my parents Mom and Mama. I love you both." -- nakangiting uala nito sabay halik nito sa pisngi namin. Niyakap naman namin ang Honey namin,  she's very sweet and very kind kaya nakakataba ng puso.


"You should sleep now honey,  remeber you have a class tomorrow." -- paalala ko dito.

"Oh.. Yeah." -- naghihinang usal nito kaya napatawa ako.

"I will acxompany you upstair." -- wika naman ni Callie. Kaya humalik naman muna sila sa akin bago sila pumanhik sa itaas. Nakatingin lang ako sa kanila habang kumakaway naman ang anak ko sa akin.

"She's really adorable." -- usal ko sa kawalan.

Masaya na ako sa buhay namin. I feel complete,  feeling ko wala na akong hihilingin pa basta kasama ko sina Callie at Clafea, I'm satisfied with that. Sana laglakai ng anak ko mahaap nya din ang taong kagaya namin ng Mama nya. For now,  I will make sure to be the best wife and to be the best Mom to this family. Aftwr kong uminom ng tubig at magtimpla ng gatas ay sumunod na ako sa kwarto ni Clafea lara painumin sya ng gatas. Alam kong kwinekwentuhan na naman ng Mama nya ang anak namin. Hindi na sya nagsawang pakinggan ang Live story namin ng Mama nya. Pagkapasom sa kwarto ng Honey namin...

"Mama,  I hope I can find my Princess too." -- wika nito. Napatigil ako,  is she a gay?

----

Dahil sa Lockdown. Nakapagsulat ako ng Special Chapter , sana nagustuhan nyo. Namiss ko din kasi sina Callie at Frea. Mag ingat kayo ♥️

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon