XVIII.

3.1K 95 2
                                    


Enjoy Reading Fam! 

------------------------------------------------------------------------------------------------------


Nabigla ako ng magyaya sa akin si Callie na lumabas daw kami... 


"Seryoso?" -- di makapaniwalang tanong ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng natanong sa kanya kung seryoso ba sya o kung di ba sya nagbibiro. Narinig ko ang pagtsk naman ni Callie na syang iinatawa ko.


"Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya sa pagyaya mo sa aking lumabas." -- masayang wika ko.


Wala syang imik sa kabilang linya... 


(Sunduin kita after lunch.) -- sabi nito sa kabilang linya.


"Okay sige... I'll see you later." -- masayang sagot ko.


Then namatay na ang linya... hindi talaga uso sa kanya ang magpaalam ng maayos. Napailing na lang ako...


Mabilis ako nag ayos ng sarili ko, napatingin ako sa orasan at nakita kong alas-diyes palang ng umaga. Sunday pala ngayon at balak ko sanang magsimba kaso nagyaya yung taong gusto ko... siguro isama ko na lang sya mamaya.


Makalipas ang sandali ay nakaayos na ako... Nakablack pants lang ako, white san smith adidas and nakaloose na polo... too cool for me, sabi ng isip ko.


"Not too girly... okay na tong simple ako." -- sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.


Napatingin ako sa orasan at nakitang kong alas-dose na ng tanghali..


Nang biglang magring ang cellphone ko.


Napatingin ako sa Cellphone ko at nakita ang pangalan ni Mama. Mabilis ko itong sinagot.


"Hello Ma. I miss you" -- masayang bungad ko.


(Kamusta ang maganda kong anak? ) -- tanong nito, naiimagine kong nakangiti ang mama ko sa pagbati nito kaya diko maiwasan ang mapangiti. Tuluyan naman akong umupo sa may sofa habang kausap ko si Mama.


"Eto maganda pa din ma." -- biro ko sa kanya.


Narinig ko ang mahinhin na pagtawa ni Mama sa kabilang linya dahilan para mapatawa din ako.


(Congrats sa game nyo anak, napanood namin sa TV. Ang galing galing mo, we're so proud of you.) -- halata sa boses ni mama na sobrang proud sya sa akin at parang paiyak na.


Diko maiwasan ang magpout dahil nararamdaman ko ang pagkaproud sa akin ni mama.


"Thank you Ma, lahat ng to ay para sa inyo ni Papa, parang maging proud po kayo sa akin." -- naiiyak na sabi ko pero piniilit ko pa din ang mapangiti dahil naalala kong nakaayos na ako sa date namin ni Callie.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon