XXXI.

2.5K 83 4
                                    


I dedicated this chapter to mickeymiky05. Hi just want to say Thank you 😊

-----------------------

Callie was still sleeping in her room so I decided to go downstair and I was surprised when Kuya Rafael came to visit me...

"Kuya!!! " -- puno ng galak at saya ang boses ko  napatalon pa ako sa kanya at buomg puso naman akong sinalo nito at niyakap.

"How's my Princess?" -- masayang tanong nito at yakap sa akin.

Hinalikan ko to sa pisngi at humiwalay na sa yakap bago ako tumugon sa kanya.

"I'm fine Kuya, still pretty as you can see. " -- preskong wika ko dito dahilan para mapailing ito na may ngiti sa labi sabay gulo nito sa bihok ko. Napatawa naman ako. Namiss ko sya,  sobra.

"Namiss kita kuya.!" -- sinserong wika ko sa kanya dahilan para mas mapangiti ito...  hinila naman ako ni Kuya papuntang Garden. Nakangiti lang ako habang papalapit na kami sa Garden,  naupo kami habang nakatingin sa mga halaman namin sa bakuran.

"Namiss din kita Princess,  sorry di ako agad nakadalaw nung dumating ka. Nagkaproblema kasi sa bukid kaya ngayon lang ako nakadalaw." -- usal ni Kuya Rafael,  napatango naman.

"Ayos lang kuya,  atleast nandito ka na... " -- tugon ko sa kanya sabay yuko. Biglang tumahimik,  I know may gusto syang sabihin at alam kong  si Callie yun, narinig na nya siguro, nakaramdam ako ng kaba... Sana okay lang kay kuya, sana tanggap nya kung ano ako at sana maging masaya sya sa akin. Tumikhim si Kuya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"May kasama kang dumating? " -- tanong nito sa akin,  alam kong alam na nya, ayaw nya lang ako diretsuhin.

"I'm w-with Callie Kuya,  you'll meet her later." -- tugon ko naman sa kanya habang may kaba sa dibdib ko.

Napatango naman sya at biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Is it true?" -- seryosong tanong nito. Napalunok ako, sa pamamaraan ng tingin ni Kuya sa akin ay mas nagpapadagdag ng kaba sa puso ko. Diko maiwasan ang makaramdam ng kirot... Idyajudge nya ba ako? Sana wag na syang dumagdag,  kung si Papa,  mabigat na sa dibdib... Sana naman wag na dumagdag si Kuya.  Diko maiwasan makaramdam ng lungkot.

"Hanggang ngayon ang dali mo pa ding basahin."-- mahinahon na wika nito.  Napayuko ako.

"I'm not here to judge you Princess, you know how much I love and care for you." --  dagdag nito dahilan lara napatingin ako sa kanya,  diko maiwasan ang sarili kong mapaluha.

"I want to meet her, dapat pasok sya sa taste ko." -- biro nito sabay ngiti nya sa akin,  diko na napigilan ang sarili kong mapangiti habang may lumuluha. Yinakap ko si Kuya dahil sa saya na naramdaman ko,  he didn't changed... Sya pa din yung kuya ko. I'm so happy na tanggap nya ako sana ganun din si Papa,  sana dumating na yung time na yun.

"Thank you kuya,  akala ko huhusgahan mo ako,  akala ko di mo ako matatanggap. " -- humihikbing wika ko.

Hinaplos nito ang likod ko...

"Sino ako para husgahan ka? If that makes you happy,  I'll support you Prince." -- sinserong wika nito. Mas lalong sumaya ang pakiramdam ko ng marinig ko ang sinabi ni Kuya.

"Frey." -- narinig kong wika ni Callie dahilan para mapahiwalay ako ng yakap kay Kuya at mapalingo sa kanya. Seryoso at walang emosyon ang mukha nito. Ngumiti ako sa kanya,  napatayo naman si kuya sa tabi ko.  Linapitan ko si Callie at yinakap.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon