XLVI.

2.7K 81 5
                                    

"Iba yang mga ngiti mo ngayon , mukhang may masamang binabalak ." -- komento sa akin ni Gian habang ginugulo ako nito sa opisina ko . Inismiran ko lang sya at kinindatan .

"Parang ni ng isang araw,  selos na selos ka ah" -- dugtong nito. Binato ko naman ito ng ballpen na nailagan naman nya,  tumatawa pa ito habang pinupulot yung ballpen ko. Kainis talaga tong Gian na to.

"Umalis ka na nga dito at dapat ang tutukan mo so Nina hindi ako.  Tsk" -- wika ko dito,  napapailing naman ito habang dinadampot nito ang bag nya.

"Balitaan mo ko ah kung successful yang plinaplano mo. " -- asar nito sa akin. Akmang babatuhin ko ulit sya ng mabalis itong lumabas ng office ko. Napangiti ako, alam talaga ni Gian kaapg may mga kalokohan akong plinaplano ako, kamusta kaya ang Callie ko? Paano kaya manuyo ang isang Callie?  Napangiti ako sa naisip... Excited akong makita ang side ni Callie na ito.

Naistorbo ako sa pag iisip ng may kumatok sa pintuan at pumasok ang secretary ko at may dalay isang bouquet na red roses,  napataas ang kilay,  wag mong sabihing???

"Good morning Ma'am, someone sent a boquet of flowers for you" -- nakangiting wika nito,  nasa labi nito ang mapanukso na ngiti,  napangiti ako at kinuha ito sa kanya, nagpaalam naman sa akin si Dea na lalabas na ito,  tumango naman ako bilang tugon. Binalingan ko ulit yung natanggao kong bulaklak at inamoy ito.

"Smell so good" -- usal ko habang may ngiti sa labi. Kinuha ko ang isang card na nakasiksik dito at binasa.

A beautiful flowers to the one who own my heart
Give me a chance to make it up to you my Love
Please be my date tonight? Please.

--- Callie

Napangiti ako sa letter nito,  isang bulaklak at isang letter pa lang nya napapakilig at napapangiti na nya ako, di na ako makapaghintay kung ano pa ang mga gagawin ni Callie.

I was about to text her ng tumawag ito sa akin. Tumikhim muna ako at po inaseryoso ang mukha ko at boses ko bago ito sinagot.

"Hello " -- bungad ko.

(Love)  -- malambing na usal nito,  shit gusto kong mapangiti sa pagkasabi nito ng Love,  it was so sweet.

"Yes? " -- pigil kilig na tugon ko.

"Love,  let's have a date tonight." -- usal nito,  gusto kong matawa dahil hindi patamong ang pagkasabi nito.. As usual parang isang statement at di na kailangan ng sagot.  Napailing ako habang may ngiti sa labi.

"Okay but I'll let you know if I'm already done with my works." -- parang wala lang na sagot ko dito.

Narinig ko ang malakas na pagbunyong hininga nito (I'll fetch you at 6 sharp Love) -- napatingin naman ako sa orasan at 3 pm na. Napakagat ako ng labi,  namimiss ko na sya...  It's been two days kasi and ngayon lang sya nagstart sa sinasabi nyang babawi sya sakin.

"Okay,  I'll see you." -- usal ko.  Ibaba ko na sana yung phone ng may sinabi ito.

(I love you,  I miss you Love) --- nahihimigan ko ang lungkot at pagkasinserong usal nito. Kailangan mong magtiis Callie, kaya mo yan diba? Nawala ang mga mapaglarong ngiti sa labi ko. Natatakot ako na baka bigla syang susuko sa akin. Biglang kong naibaba ang phone ng hindi ko man lang nasabi na mahal ko din sya. Napabuntong hininga ako at napapapikit.

Ilang minuto din akong naging tutok sa trabaho ko at pagrerrview sa mga possible na pwede naming idagdag sa menu namin. Mabuti na lang at naisipan naming magpasurvey sa mga customer para mag maimprove ang mga menu namin,  ang dami nilang suggest na pwedeng makatulong sa pag improve ng service namin at mga menu namin. Nag uunat ako ng may kumatok sa office,  nangalay ang likod at leeg ko dahil nakatutok lang ako sa trabaho kanina para diko maalala yung naiisip kong mapapagod si Callie sa akin. Napapikit ako ng mata,  narinig ko ang pagsara ng pinto,  minulat ko ang mga mata ko at nakita ang taong gumugulo sa isip ko.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon