XLIV.

2.3K 64 16
                                    

Callie's POV

* F L A S H B A C K *

2 years ago...

Napatingin ako sa labas ng bintana habang papalayo ang aking sinasakyan ngayon palayo sa taong Mahal ko, hanggang sa lumiit na lang ang paningin ko sa bansa kung saan ko iiwan si Frea, I should be strong , I need to this for her, gusto ko okay na ako para buo na ako pagbalik ko sa kanya. Paulit ulit na wika ko sa aking sarili, ilang ulit ko yang sinasabi sa aking sarili para pigilan ko ang sarili ko na wag ituloy ang aking plano. I know she will wait for me... Pero kung hindi nya man ako mahintay, I will accept it kahit na masakit as long as she's happy. Nang maisip ko yun nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, thinking of her being with someone it really breaks my heart. Naramdaman ko na lang na may pumatak sa braso ko, I'm crying... Napapikit ako at nakita ko ang mukha ni Frea, I miss her already.

"You must be Callie? " -- biglang wika ng taong nasa harap ko, kanina pa ako nakatayo dito waiting for my Doctor, sabi ni Heidi, isang mestisong lalake ang susundo sa akin na matangkad, na may nunal sa itaas ng right na kilay nya. Nakita ko naman yung nunal nya so I assumed na sya na nga ito.

"Sorry I'm late, I just attend my last session to my patient a while ago, Dr. Ivan Frego By the way. " -- pakilala nito sabay lahad ng kamay nya, tinignan ko lang sya. Napangiti naman ito ng mapansin nyang wala akong balak makipagkamay sa kanya.

"I'm glad Heidi send me a picture of you so I can recognize you easily" -- wika nito, napatango lang ako at humikab, isang taction na gusto kong iparating na di ako interasado at gusto ko ng mahiga.

"Let's go. " -- nakangiting usal nito. Nakaramdam na sya siguro, good to know. Masyado din akong naiirita dahil nakangiti lang sya, wala naman dapat ikangiti.

Diko sya kinausap ng mga ilang araw, di ako komportable at natatakot ako makipag usap lalo na't di ako nakakatulog ng maayos. Lagi ko pang naaalala si Frea at dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya at inis ko sa problema ko ay nasasaktan ko ang sarili ko. Nawawalan na din akong pag asa na magiging maayos ako, na mapapatawad ko ang sarili ko at matutong makisalamuha sa ibang tao. Nasanay akong mag isa lang, kontento na ako sa buhay ko kahit na walang kwenta at walang masasayang alaala, gusto ko lang maging maayos ako dahil kay Frea. Nahihiya ako sa kanya, she has a big heart, minahal nya ako kahit ganito ako magulo at kompliladong tao. Remembering her it makes me happy, diko maiwasan ang mapangiti habang napapaluha. When it comes to her, I can feel my emotions.

The other day, A lot of thoughts are coming to my head, paglagising ko kinaumagahan bilgang kung ano ano ang naiisip ko,Napanaginipan ko ulit yung gabing nawala ang mommy ko, yung pagwawalk out ko, yunh paghabol nya sa akin at yung pagliligtas nya sa akin at yung oras na nakita kong nakahandusay sya habamg nakangiti sa akin, yung pagtawag nya sakin, diko na naman maiwasan ang sisihin ang sarili ko at sabanutan ang sarili ko, I end up crying and cursing myself, akala ko okay na pero kapag napapanaginipan ko at naiisip ko yung nangyari laging bumabalik yung galit at inis ko sa sarili ko... Napapikot ako at nakita ko ang mukha ni Frea, medyo kumalma ang nararamdaman ko pero naiisip ko ang mga negative na sasabihin sa akin ng mga tao sa piling ni Frea, I don't like that feeling napamulat ako pero mas lalong naiinis at nagagalit ako sa sarili ko, bakit ganito ako? I tried to calm myself pero wala...

Napatingin ako sa blade sa aking kuwarto, it's been a month since I hurt myself, nagiging manhid na naman ako, I'm being paranoid. Kinuha ko to at sasaktan ko na sana ang sarili ko pero bihlang nagpop up sa isip ko yung time na umiiyak si Frea habang kinocomfort nya ako, saying that she will never leave me. Napapikit ako ng mariin at tinapon ng pagalit ang blade sa sahig.

"Cal, please makisama ka naman sa akin, I'm trying to help you but look at yourself hindi mo ako binibigyan ng chance para matulungan ka. If you really want to fix yourself go to my office tomorrow. " -- seryosong usal ni Dr. Ivan, nasa tono nito ang galit, bigla akong napamulat, nakita kong pinulot nito ang blade bago sya lumabas ng kuwarto ko at isara ito. Wala akong pakialam kung magalit sya pero naisip ko... Bakit pa ako nagsakripisyo na lumayo kay Frea if hindi ko binibigyan ng chance si Dr. Ivan para tulungan ako? Napatingin ako sa wrist ko namuntik ko ng markahan.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon