Hello guys, thank you for reading 🤙🏻
#JenLisa shipper here 😅
-------------------------------
Bumalik ako sa kwarto ko at di ko maiwasan ang mapangiti at kiligin sa tuwing naaalala ko ang huling sinabi ni Callie sa akin. Tumabi ako sa kanya at nakatingin lang ako sa napakaamo nitong mukha.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakakatitig sa mukha ng taong mahal ko.
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa mukha kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Isang seryosong mukha ang bumungad sa akin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito kaya nabalot ng pag aalala ang nararamdaman ko. Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa pisngi ko.
"Ayos ka na ba?" -- nag aalalang tanong ko.
Ngumiti ito ng tipid at hinalikan ako sa noo ko. Napapikit ako, yun lang ang ginawa nya pero sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.
"I'm okay... As long as you won't leave me." -- sagot nito sa akin bago ako yakapin ito ng mahigpit.
Napangiti ako at yinakap sya ng pabalik.
"Hindi ko yun magagawa, ikaw na ang buhay ko Callie." -- pigil kilig na tugon ko dito.
"Di na ako maghihiganti, sana di na kami magkita nung lalake, yun lang ang gusto ko." -- biglang usal nito.
Kakalas sana ako sa yakap namin pero mas hinugputan nito ang yakap namin. Gusto ko sana makita ang mukha nito, alam kong mahirap ang desisyon nya. Napabuntong hininga ako at hinaplos ko ang likod nito.
"Alam kong mahirap pero yan ang mas mabuti Callie, si Papa God na bahala sa kanya. Nandito lang ako, we should enjoy every moment and create memories together." -- usal ko dito.
"I'll try to change Frey, I don't want to see you hurt again, ayaw na kitang umiiyak ng dahil sa akin. I'm so stupid." -- wika nito , narinig ko ang pagkasniffed ng kaya sinubukan ko na ulit humiwalay sa yakapan namin at nagtagumpay naman ako, umupo ako at hinila sya paupo. She's crying again... And nasasaktan din akong makitang umiiyak sya. Pinunasan ko ang mga luha nito.
"Please stop crying baby... And you're not stupid, don't ever say that." -- sabi ko dito.
Tumango naman ito at ngumiti ng tipid. Nakikita ko na ang soft side ni Callie, ang fragile nya... I really want to protect her..
"You're so cute." -- di ko napigilan na sabihin sa kanya.
Napakunot noo naman si Callie habang namumula ang ilong nito.
"You still love me? Nakikita mo na itong side kung ito? I'm weak." -- biglang tanong nito.
Napangiti naman ako at kinurot ang ilong nito.
"Aww... Don't do that" -- sabi nito sabay haplos sa pisngi nyang kinurot ko. Napatawa naman ako.
I'm happy na nawawala yung pagkatipid nyang pakikipag usap sa akin. Hindi na din sya maarte kapag yinayakap, hinahawakan at hinahalikan sya. Minsan sya pa ang gumagawa and I love it... Hopefully maging masaya na talaga sya, at ako ang isa sa magiging dahilan para magbago sya. San magtuloy tuloy na ang pagbabago na ng Callie ko. Please Papa God, guide me and my Callie.
"I love you Callie, kahit ikaw ang pinakaweak sa buong mundo, di kita iiwan, ikaw lang ang mamahalin ko kasi ang nagbibigay lakas sa akin. Ikaw ang kahinaan ko and diko kakayanin pag nawala ka sa akin." -- sinserong tugon ko.
BINABASA MO ANG
The Warmth of your Darkness (COMPLETED)
Romance*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. Dahil sa pagiging pagkamisteryosa mo mas nagkakainterest ako sa iyo. Hayaan mo lang a...