Nang malapit na ako sa Gatte ay tumigil muna ako sa may gilid para ayusin ang sarili ko.
Hindi ko alam pero medyo naiinsecure ako sa sarili ko ngayon, gusto kong maganda ako ngayon... Okay lang naman yun diba? Normal lang naman na magpaganda ako sa kapareha kong babae.
Napabuntong hininga ako... Nakakapanibago tong nararamdaman ko ngayon.
Nang satisfied na ako sa ayos ko ay pumunta na ko sa labas ng gate at baka nandun na si Callie.
Pero sa pagkadismaya ko, wala pa sya. Napasimangot ako at nawalan na ng pag asa na dadating sya. Napayuko ako habang ramdam ko ang lungkot.
"Let's go."
Biglang naaangat ang ulo ko at nakatingin sa likod ng babaeng papalayo na sa akin.
Hindi ko napigilan ang ilabas ang ngiti ko dahil dumating ang taong hinihintay ko. Mabilis akong naglakad para makasabay ako sa kanya,
Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil hindi ito panaginip.
"Stop smiling." -- malamig na sabi nito habang patuloy sa paglalakad.
Inismiran ko to...
"Masaya lang ako noh." -- sabi ko naman.
Okay na eh... epal talaga to sa nararamdaman ko. tskkkkk...
Di na sya umimik at nag stop kami sa bus stop.
Nang makasakay kami ay dun na ako umimik sa kanya. Nakatingin lang kasi ito sa labas ng bintana, ni hindi pa nya ako magawang sulyapan. Nag effort pa naman ako para magpaganda para sa kanya...
"Callie"
"Hmm?" -- tugon nya habang nakatingin pa din ito sa labas ng bintana.
"Saan pala tayo pupunta?" -- tanong ko dito habang nakatutok ako sa kakatitig sa blangkong mukha nito.
Ano kayang pinagdadaanan ng babaeng ito? Her eyes... ang daming sinasabi pero makikita mo sa mga mata nito kung gaano ito kalungkot... gusto ko syang yakapin pero ayaw naman nya sa clingy na tao... hmmm, baka mainis pa to sakin pag niyakap ko ulit ito.
BINABASA MO ANG
The Warmth of your Darkness (COMPLETED)
Romance*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. Dahil sa pagiging pagkamisteryosa mo mas nagkakainterest ako sa iyo. Hayaan mo lang a...