XXII.

2.9K 95 2
                                    


(Back to reality)


Frea's POV


"Thank you for doing this My Callie." -- sabi ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.


Napansin ko ang paninigas ng katawan nyaa ng halikan ko sya kaya diko napigilan ang mapatawa. Dali dali namang bumaba ng sasakyan si Callie at nauna ng maglakad, napapailing ako habang pababa na din ako ng sasakyan at sumunod sa kanya.


Mahangin at malamig ang klima dito sa tagaytay... puno ng puno sa kapaligiran pero may isang malaking bahay  ito sa may dulo, kulay puti ito at may magandang garden, madaming bulaklak, nakakarelax ang kapaligiran. Ang ganda at nakakamangha... tahimik lang dito, siguro mas maappreciate ko yung ganda ng kapaligiran bukas dahil gadilim na sa kapaligiran.


Pagkarating ko sa may pintuan ay may kausap si Callie na isang babaeng may suot na salamin, matangkad at may magandang kutis, halatang alagang alaga nung babae ang skin nya, she's pretty too and halata sa itsura nito na sobrang nag aalala sya kay Callie. Nakatungo lang si Callie habang nasa harap nya yung babae. Wait sino kaya sya?  Di ko maiwasan ang makaramdam ng selos sa pagitan nilang dalawa at dahil sa sobrang pagkacurious ko ay linapitan ko na sila at tumikhim para maagaw k ang attention nila.


Sabay silang napatingin sa akinn, nakita ko sa itsura nung babae ang pagkakunot at pagtataka kung sino ko... Blangko lang naman ang itsura ni Callie.


"Who is she?" -- tanong nito, ang boses nito ay sobrang mature at medyo malambing.


"She's Frey" -- tipid na sagot nito. Napapout ako sa pagpapakilala nya sa akin.


Nginitian naman ako ni nung girl at lumapit sa akin.


"By the way I'm Heidi Tuay, nice to meet you Frey." -- nakangiting pakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay nya.


Maagap ko namang tinanggap ang pakikipagkamay nito sa akin.


"Frea De leon, nicee to meet you po Heidi." -- nakangiting tugon ko, pero nagtataka pa din ako kung magkaano ano sila.


"Let's get inside." -- usal ni Callie sabay nauna na itong pumasok, sumunod naman kami ni Heidi.


"You look familiar." -- sabi sa akin ni Heidi habang papasok kami sa loob.


Napatingin naman ako sa kanya.


"Really? Di pa kita nakikita eh." -- nahihiyang tugon ko dito.


Napapalakpak  si Heidi sabay napatakip pa ng bibig. Ako naman ay nagtataka kung bakit bigla syang gumanon.


"Diba player ka ng Volleyball?" -- tanong nito sa akin.


Napatango naman ako.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon