XIII.

3K 121 1
                                    

Yung isang linggo

Naging dalawang linggo... hanggang sa naging tatlong linggo...

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Callie.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pag nakita ko sya ulit... pero kahit anong inis ko sa kanya di ko parin maiaalis sa puso ko na miss na miss ko na sya.



"Focus guys!!!" -- sigaw ni Coach JV.

Ramdam ko na ang pagod sa kakapractice at kahit gusto kong magfocus laging lumilipad ang diwa ko sa kakaisip kay Callie...

"Frey!!!" -- narinig kong sigaw nila.

Pero huli na ng marealize kong papunta sa pwesto ko ang bola.

Wala na akong naintindihan sa paligid ko, basta naramdaman ko ang pagkahilo at pagdaloy ng dugo sa may ilong ko.

Napahiga ako sa semento at hinayaan kong pumikit ang mga mata ko...

Nagising ako sa boses ni Gian na parang nakikipagtalo.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Gian na nakikipag usap kay Sam.

"Hindi ko nga sinasadya yun..." -- inis na sabi nito.

Nasa tabi naman ni Gian si Nina at hinahaplos ito sa may likuran nito.

Nasa tabi naman ni Sam si Kaye habang si Jora ay nakaupo habang pinapanood ang apat..

"Okay I'm sorry Gian... nag aalala lang ako kay Frey kaya nasigawan kita at iniinsist na ikaw ang may kasalanan nito." -- nakayukong sabi nito.

"Guys di na dapat tayo nagsisisihan... ayaw ni Frey na ganito tayo." -- sabi naman ni Kaye.

Saktong napatingin naman sila sa akin ng banggitin ni Kaye ang pangalan.

"Frey!!!!!!!" -- sabay sabay na tawag nila sa akin. Dali dali naman silang lumapit sa akin habang ako ay dahan dahan ng bumangon.

Napahawak naman ako sa Ulo ko at may benda ito...

"Ayos ka lang ba?" -- tanong ni Gian pagkalapit nila sa akin.

"Gusto mo ba tubig?" -- suhestiyon naman ni Sam. Dipa ako nakakasagot ay dali dali na itong umalis para kuhanan ako ng tubiig.

"Pinag-alala mo kami." -- nag aalalang sabi ni Kaye sa akin.

"Leon ang Captain natin kaya wag kayong mag alala." -- nagbibirong sabi naman ni Jora.

Napangiti naman kami sa biro nito.

"Okay lang ako guys... pasensya na kayo nawala ako sa focus kanina." -- sabi ko dito

"May problema ka ba?" -- nag aalalang tanong sa akin Kaye.

Nakita ko sa mga mata nila ang pag alala sa akin... hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanila...

"Na-stress lang ako guys.. Malapit na kasi yung game, bigatin pa ang kalaban natin..." -- palusot ko na lang sa kanila.

Iba ang tingin sa akin ni Nina... alam kong ramdam nyang may iba sa akin.

Pinainom naman na ako ni Sam ng tubig habang nagkwekwentuhan na yung iba...

Okay naman na pakiramdam ko medyo masakit lang ang ilong ko dahil feeling ko may sugat sa loob ng ilong ko...

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon