XXVIII.

2.9K 105 4
                                    

I dedicate this chapter to Shingain, I just want to say Thank you ❤️

Enjoy Reading guys!

------------------------------------

Di naman sa excited ako sa lakad namin ni Callie pero diko naman inaakala na sobrang aga kong nagising,  exactly 6 am gising na ako pero 10 am pa ang alis naman. Goshhh dahil sakanya napaaga ako ng gising....

At exactly 8 am ay nakaayos na ako,  naghihintay na lang ako kay Callie na dumating,  nang biglang nakarinig ako ng busina sa labas ng bahay, namuo ang pananabik ko na baka si Callie na yun,  makakasama ko na ang taong mahal ko at ito ang magiging First Date namin... Pero nawala ang pananabik ko kasi I thought it was Callie pero hindi ....

Taka akong napatitig sa kanya,  I admit she has a looks, magkasing ganda sila ni Callie pero mas malakas ang dating ng Callie ko syempre...

"Hi Frey! " -- masayang bati nito sa akin habang kumakaway.

Nakadamit ito ng loose pants and stripe black white na damit,  she looks so cool,  habang may cup na red itong suot. Kung hindi lang ako inlove kay Callie,  nagkakagusto ako dito sa taong ito.

"Maricar... Hellow,  napadaan ka? " -- nagtatakang tanong ko.

Napatawa ito sabay lapit nito sa akin.

"Di mo man lang ba ako papapasukin?" -- nakangiting tanong nito.

Wala akong nagawa kung di yayain sya sa loob,  ayaw ko namang maging bastos sa kanya,  she's been trying to be friend with me kaya dapat maging mabait ako sa kanya and wala naman akong nakikitang masama dun. Pero nakakapagtaka lang ang mga surprise visit nya sa akin... She didn't even text me...

"Sorry di ako nagsabi na pupunta ako dito." --, simula nito pagkaupo nito sa may sala namin.

"Ayos lang." -- tipid na sabi ko habang may ngiti sa labi.

Napatingin ito sa kabuuan ko...

"Oohhh.. Mukhang may lakad ka ah. " -- tukso nito sa akin.

Napakamot ako sa batok ko sabay tango.

"Date?  With? " -- puno ng interest na tanong nito.

Ayaw ko sanang sabihin sa kanya dahil hindi pa naman kami ganun ka-close... Tsaka,  ou nga pala... Magkakilala pala sila ni Callie? Bakit kaya sila magkakilala? Magkaibigan kaya sila?

"It's okay kung ayaw mong sabihin... Pero feeling ko kilala ko yan." -- natatawang wika nito.

She's too different now compare nung magkalaban kami ng Volleyball. Nakakapanibago,  honestly di pa ako ganun kakompartable sa kanya.

"What do you want?  Gusto mo ba juuce or water? " -- offer ko sa kanya.

"Water na lang ,mas prefer ko yun." -- nakangiting wika nito.

Mabilis naman akong pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom nya,  gusto ko magtanong kung ano ba ni Maricar si Callie pero natatakot akong marinig kung ano ang magiging sagot nya... Paano kung ex-Lover sila? I trust Callie pero diko maiwasan isipin na baka nagkagustuhan sila in the past... Well,  diko na dapat isipin pa, ang mahalaga,  akin na si Callie at hindi ko hahayaan na may umagaw sa kanya sa akin. She's mine.. Mine alone.

Bumalik na ako sa sala at binigay sa kanya ang tubig,  nang maisip ko ulit kung bakit sya napadaan sa bahay.

"Napadaan ka pala? " -- tanong ko ulit sa kanya.

"Ah ou nga pala.. Jennie told me she wants to meet you,  nabanggit kasi kita da kanya and she's interested to be friend with you." -- wika nito. Wala sa sariling napatango naman ako,  and?  Yun lang?  Pwede namang itawag na lang nya sa akin or itext diba? Ang effort naman ng taong ito at naisipan pang pumunta dito sa bahay para lang sabihin sakin yun.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon