XII.

3.1K 111 0
                                    


Makalipas ang ilang araw di nagparamdam sakin si Callie... Hindi ko alam kung bakit biglang di sya nagpakita sa akin... di nya din sinasagot ang tawag ko. Wala naman akong kilala na pagtanungan kung nasaan sya at kung may nangyari ba sa kanya. Wala akong alam kung kanino sya malapit, wala akong alam tungkol sa kanya.

1 week na ang nakakalipas simula nung hinatid nya ako sa bahay na nakakotse sya...

~~ F L A S H B A C K ~~

From: Callie

Your presence makes me feel better.

8:15 Pm
---

Yung puso ko nagwawala sa tuwa at kilig, dahil sa simpleng mensahe nyang yun diko alam kung makakatulog pa ako... pero anong ibig sabihin ni Callie? Gusto nya din kaya ako? Gusto nya ang presensya ko, pwede naman mag-aasume ako na may gusto sya sa akin diba?

Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang binabasa ng paulit ulit ang message nya sa akin...

To: Callie

Callie you make me crazy. Please take care 🖤

8:23 Pm

----

Ibang saya ang nararamdaman ko kahit na naguguluhan ako kung ano ako sa buhay ni Callie... pero ang alam ko sa akin lang sya ganito...

Nang tapos na akong kumain at maglinis ng katawan ay nahiga na ako at kinuha ang cellphone ko.

Walang naging tugon si Callie sa message ko sa kanya kaya naisipan kong itext sya.

To: Callie

Callie Good night. Miss na kita agad 😔

10:17 Pm

---

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pagkasent ko nung message ko sa kanya. Sobrang vocal ko sa nararamdaman ko pagdating sa kanya, hindi ko alam kung okay ba to o hindi... nakakapanibago na ganito ako sa kagaya kong babae... ganito siguro ang pakiramdam ng mga ibang lalake sa taong gustong gusto nila... natatawa ako sa isipan na nararanasan ko ang ganito, Callie ano bang ginagawa mo sa akin? Naguguluhan man ako pero ang sarap sa pakiramdam dahil alam kong ikaw ang dahilan.

Nagiging corny na din yata ako... kung makalait ako sa mga taong nanliligaw sa akin nun ngayon ako naman ang gumagawa... napapailing nalang ako sa isipan na iyon. Siguro ganito talaga kapag nagmahal na, nagiging corny pero ibang saya ang hatid nito.

Naghintay ako ng 30 minutes pero wala pa din syang text sa akin kaya napasimangot ako... naisipan ko na lang matulog dahil late na din...

Hindi ko alam kung ankng oras na pero nagising ako sa tunog ng Cellphone ko.

Kahit nakapikit pa ako ay sinagot ko ito.

"Hello?" -- antok na antok na sabi ko.

Walang nagsasalita sa kabilang linya kaya napakunot ako ng noo.

"Kung nang iistorbo ka ng tulog, please wag napo ako. Antok pa ako." -- medyo inis na sabi ko.

Papatayin ko na sana yung tawag ng magsalita ang kabilang linya.

(Frey) -- plain ang pagakakasabi nya ng pangalan ko pero feeling ko nagising ako.

Napamulat ako ng mata pagkarinig ko ng boses nya.

"Callie." -- sabi ko dito.

(Sorry naistorbo kita.) -- sabi nito.

Napailing naman ako kahit di naman nakikita ni Callie.

The Warmth of your Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon