Maghapon akong naghintay kay Callie... at ang mas nakakainis ay di man lang sya nagtext or tumawag sa akin para naman inform ako kung magkikita ba kami o hindi...
Nakakainis yung babaeng yun dahil kaya nya lang ganituhin ang nararamdaman ko... ang dali dali kong maapekruhan sa kanya, ang dali dali ko syang mamiss... masyado na nyang ginugulo ang puso at pagkatao ko... Mahal ko na kaya sya? Nakakatakot... hindi ko alam kung handa ba si Callie na saluhin ako ngayong ramdam kong hulog na hulog na ako sa kaya.
Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko... dali dali ko tong kinuha. nagbabakasaling baka si Callie.
From: Gian
Frey, can you please help me?
4:09 Pm
-----------
Napakunot ako ng noo sa text na natanggap ko, parang ang seryoso kasi ngayon ni Gian.
Dali dali ko tong tinawagan...
"Hello?"
(Frey... help me.) naiiyak ang tono ng boses nito.
Kinabahan ako dahil baka anong nangyari sa kanya.
"Anong nangyari? Nasaan ka?" -- tanong ko dito sabay kuha ko ng bag ko.
(Nakipagkita sakin si Daddy, may pinakilala sya saking bagong papakasalan nya.) malungkot na kwento nito.
"Nasaan ka?" -- tanong ko ulit dito.
May ugali kasi si Gian, yung biglang nawawala kapag nasasaktan.. tapos pag di nya nakayanan ang sakit, sasaktan nya ang sarili nya. Ou masayahin at happy g lucky sya pero iba sya pag nasaktan att malungkot.
(Dito ako sa may park, yung laging pinupuntahan natin.) -- sabi nito.
Dali dali akong pumara ng taxi...
"Hintayin mo ako jan." -- nag aalalang sabi ko.
Naputol na ang linya kaya tinext ko ito para mas makasiguro akong di sya aalis dun.
Pagkarating ko sa park ay nakita ko syang nakahiga sa may ilalim ng puno.
Nang malapit na ako kay Gian... may natanggap akong text mula kay Nina.
From: Nina
Unni... si Gian, alam mo ba kung nasaan sya?
4:26 Pm
---------
BINABASA MO ANG
The Warmth of your Darkness (COMPLETED)
Romance*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. Dahil sa pagiging pagkamisteryosa mo mas nagkakainterest ako sa iyo. Hayaan mo lang a...