Him 01

754 54 54
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"All hail shawarma!" Nakapikit at nakataas pa ng mga kamay si Ever habang dala-dala ni Vertex ang tray na puno ng shawarma. Pagkalapag ng tray ay napailing na lang ako kay Ever nang biglang sambahin niya ang nakapatong-patong na shawarma. Ilang buwan na rin kaming hindi nakakakain sa labas kaya nagniningning ang mga mata namin nang masulyapan ang paborito namin. Malapit na ang pasukan kaya kailangang sulitin ang mga natitirang oras ng bakasyon.

Bago pa tumagal ang pagsasamba ni Ever ay napalo siya ni Divide para patigilin siya. "Hoy, bad 'yan."

Napakamot na lang si Ever. "Sorry, tay," biro pa nito.

Kaniya-kaniya na kaming kuha ng shawarma namin. Akala ko mapayapa na akong makakakuha ng makakain pero may nakapansin sa ginawa ko. "Hoy! Si Geometry, dalawa ang kinuha!" pagsusumbong ni Ever kaya malamig ko siyang tiningnan. Binawi niya agad ang tingin niya at nagpanggap na may tinitingnan siya sa kisame. Napatingin tuloy silang lahat sa akin na parang may grabeng nangyayari ngayon.

"Para kay Sat daw 'yan," asar pa ni Reddie sa tabi ko kaya bago pa sila mag-ingay sa resto ay mabilis kong binalik ang isa pang shawarma na para sana kay Saturday. Napagtanto ko lalong hindi na magiging mapayapa ang buhay ko lalo na't sila ang mga kaibigan ko. Hindi naman din ako magsisisi kasi boring na nga buhay ko tapos wala pang maiingay.

"Huwag niyo ngang asarin si Geo baka may magkajowa na sa barkada natin."

Napailing ako sa sinabi ni Dom. "Shut up, yaya," sabi ko.

Mariin siyang napakamot ng batok niya. Obvious na hindi niya nagustuhan ang narinig niya. Magrereklamo sana siya kaso hindi natuloy. 

"Uy yaya, pakiabot tissue please," pakiusap ni Ever at inabot na lang ni Dom ang tissue.

"Bakit ba yaya ang tawag niyo sa akin??" inis niyang tanong.

"Sikreto lang." Tinaasan siya ng kilay ni Side. Doon na kinulit ni Dom ang iba, tinatanong kung bakit Yaya ang tawag sa kaniya, eh, mukha naman daw siyang among mayaman at gwapo. Muntikan na kaming liparin sa lakas ng hangin pero mas pinili kong ichat si Sat.

---

Saturday Sundays

2:09 PM

Geometry:

san k n

Saturday:

Otw naaaa!

Nagchichika pa kami ni Manong Jeepney Driver.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon