Him 33

162 17 55
                                        

Nagising ako na parang tinataga ang utak ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako na parang tinataga ang utak ko. It's like something's hammering my brain. I tried to open my eyes but every attempt leads to another 'sleeping might help' saga. The spirit of sleepiness left my body. Kaya ito ako ngayon, hindi na nakakatulog at dinadamdam ang sakit ng ulo ko. Anong oras na kaya? Bakit wala akong maalala kagabi?

Nang mabuksan ko na ang mga mata ko ay una kong nakita si Style na nakaupo sa kama niya. Nakacrossed-legs pa siya habang hawak-hawak ang dulo ng buhok niya at isang maliit na gunting.

"Gising ka na pala," sabi niya nang napasulyap sa akin kaya napabalik ako sa pagtakip ng mga mata. "Ayan ha, inom-inom pa." Napabuga pa siya ng tawa.

Kaya pinilit ko na bumangon at mapatulala saglit.

"Mag-ayos ka na. I cooked breakfast," sabi pa niya habang isa-isang ginugupit ang mga dulo ng buhok niya.

"What are you doing?" namamaos kong tanong. Napatingin siya sa akin na parang may ginawa akong masama. Napakunot ako ng noo dahil sa reaksyon niya. Masama bang malaman kung ano ang ginagawa niya?

Napailing na lang siya at pinatuloy ang ginagawa niya. "Naggugupit ng mga split-ends," sabi niya kaya napatango ako. Napasuklay na lang ako ng buhok ko bago tumayo para pumasok sa CR.

Naghilamos lang ako saglit at nagtoothbrush dahil amoy alak pala ako. Kaya hindi nagtagal, lumabas na ako. Ganun pa rin ang pwesto ni Style at nalipat ang tingin niya sa akin. Mukhang kanina pa siya gising dahil nakaoversized shirt at shorts siya ngayon.

Nagkatitigan muna kami na parang may pinapahiwatig siya sa mga mata niya samantala ako, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Masama ba ang gising niya?

"Wala kang maalala," she concluded while
looking at me sharply. Napaiwas ako ng tingin saglit. Ang naalala ko lang kagabi ay nilamon ako ng sakit matapos ang pagkukuwento niya. Tapos nag-aya si Nang Beth dahil umiinom sila kagabi.

Okay, nalasing ako.

Padabog siyang tumayo at lumabas ng kwarto kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. May ginawa ba ako? May kailangan ba akong maalala habang lasing ako? Teka, baka may ginawa ako sa kanya?

Dali-dali akong lumabas para makausap siya pero natigilan ako nang pagbukas ko ng pintuan ay may lamesa roon. "Upo na." Naging mahinahon na siya kaya tinitingnan ko lang ang reaksyon niya habang paupo ako sa upuan. Hindi tuloy ako nakagalaw dahil siya na ang naglagay ng fried rice sa plato ko. Gusto ko sana siyang pigilan kaso mukhang gusto niya ang ginagawa niya kaya pinanood ko na lang siya habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Don't worry, tinikman ko kanina. Hindi na siya maalat," proud niyang sabi kaya natawa ako. Pag-upo niya sa harapan ko ay tiningnan ko ang mga nakahain.

"Ikaw nagluto lahat?" tanong ko dahil madami-dami ito.

"Yes! Sumama ako kanina kay Nang mamalengke sa bayan." Mukhang masaya pa siya kaya napangiti ako para tingnan ulit ang mga niluto niya. Merong sunny side-up at scrambled egg. Napansin niyang nakatingin ako roon kaya nagsalita siya. "Sorry, I don't know what to do with your eggs in the morning."

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon