[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Geo, mukha kang puyat na gangster dito!" Tinatawanan ni Vertex ang nakapublish na article sa isang online news site ang Opening ng Mall namin kaninang umaga. Pagkatapos ng opening ay sinabihan ko si Mama na kailangan kong pumasok kaya ito ako ngayon, nasa school. Kagagaling lang sa Central.
"Nakablack pa talaga siya. Kulang nalang, mga hikaw sa mukha," sabi ni Dom habang zinozoom ang mukha ko sa picture namin sa mall na ginuguting ang ribbon.
"Angas, 'tol," sabi ni Reddie at binigyan pa ako ng thumbs up.
Medyo nahihilo pa ako dahil sa biyahe pero wala talaga akong maalala kagabi. Paggising ko kanina, sinermunan agad ako ni Mama na masyado raw akong nagpakalasing at halos makatulog na ako sa labas ng kwarto. Sinermunan din ako ni Papa dahil inubos ko ang inumin niya, hindi man lang siya tinirhan. Hindi ko rin naman alam kasi wala talaga akong matandaan.
"Nakainom ka ba?" tanong ni Divide.
Tumango ako.
"Pupusta ako! Nagbar mag-isa si Geo." May nilapag na bente si Vertex at maangas pa na napatayo na parang nanghahamon.
"Pupusta ako! Nagpakalasing sa Centarl Mart," panghahamon din ni Venn at nalakas ang paglapag ng bente niya.
"Ang hihina niyo!" sigaw ni Dom at nilapag ang singkwenta niya. "Sa Bar ng Hotel Grams!"
"Pucha. Hindi ko naisip 'yun ah." Parang nanghinayang si Venn at nagsisi sa desisyon niya dahil hindi niya naisip ang Hotel nila.
"Tangina." Tumawa si Reddie, ang anak ng may-ari ng Gondal Wines. Napatayo pa siya at dala-dala ang confidence niya na hindi mapapantayan ng iba. "Siyempre! Alak namin! 'Yung pinakamatapang, 5th Bottle Collection. Favorite ni Tita Mad." Naglapag din siya ng isang libo kaya nagningning ang mga mata ng iba.
Napailing ako. Ginawa pa akong pustahan.
"Kilala ko si Geo." Ngumisi si Divide at tumayo. Naglapag ng sampung piso. "Imported na alak na palaging iniinom ni Tito Geon. La Vonue."
Napatango ako at napaturo kay Divide. Biglang natahimik ang iba at tanging tawa ni Divide ang naririnig namin sa Lane at dahan-dahang hinahakot ang pera na nakapatong sa lamesa pero nagwala silang lahat lalo na si Reddie na isang libo ang nailapag.
"Hoy! Hoy! Joke lang!"
Habang nag-aagawan sila ng isang libo ni Reddie ay palihim na kinukuha ni Venn ang mga barya na hindi pinapansin ng iba.
"Mukha kayong mga bata."
Nabawi ulit ni Reddie ang isang libo niya kaya tumigil na silang lahat at padabog na umupo sa mga upuan. Nakapameywang si Ever na mukhang handang sermunan ang mga bata.
Bago pa makapagsalita si Ever ay napahawak sa balikat niya ang nakangiting si Saturday na may bahid ng asul sa mukha niya. Hindi tuloy ako nakaalis dahil hindi ko naman inaakala na andito siya. Hindi na lang ako umalis dahil baka mapag-isipan niya na iniiwasan ko siya.