[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"You went to a bar?!?" sigaw ng nanay ko kaya napapikit ako. Naitago ko bigla ang MacBook ko sa loob ng hoodie ko kasi naririnig kong sumisigaw sila kanina kaya nakapaghanda agad ako. "I cancelled your card because of it! Nakakdismaya, Style!"
Sumigaw lang siya habang nakatayo lang sa tabi niya ang tatay ko. Nakatingin lang ako sa comforter ko dahil ang tagal nilang mangsermon. Gusto ko pang manood ng Thor Ragnarok. Hindi pa ako nangangalahati dahil sa pambulabog nila.
"You're grounded."
Napaangat ang tingin ko sila.
"What?" bulong ko at tinuro niya lang ang pintuan.
"Get out."
Napakunot lalo ang noo ko. "Grounded ako? Sa labas? I don't know where to go!" I panicked.
"Precisely! You need to learn from your mistakes. The door will open for you at 7 AM. Get out!"
Napabuga ako ng hininga. Ilang araw lang nakalipas at ngayon lang nila akong papagalitan? Tumayo na lang ako at nagmartsa palabas ng bahay. Nagpapasalamat ako na hindi nila nahalata ang yakap-yakap kong MacBook sa loob ng hoodie at suot ko pa ang AirPods ko.
Nabuntong-hininga ako this time dahil 7eleven na lang talaga ang iniisip kong tatambayan ko. Ayoko namang manatili sa walang bubong kaso oo, nakakaramdam ako ng hiya lalo na't wala naman akong bibilhin doon. Pagkapa ko sa bulsa ko at nakahinga ako nang maluwag nang may nakuha akong bente.
Langya't umambon pa kaya napatakbo ako para makapasok agad roon. Nakita ako ng cashier at mukhang nakilala niya ako kaya ngumiti siya. Awkward din akong ngumiti at dahan-dahang sumenyas sa mga mesa. Tumango siya agad kaya I mouthed, thank you.
Nanood na ako ng Thor Ragnarok at nagsisimula na akong bumahing. Masyado ata akong nilamig kanina lalo na't galing ako sa ambon. Imbis na bumili ng inumin ay bumili na lang ako ng tissue kasi may tumutulong sipon sa akin.
Hindi ako nakakafocus sa pinapanood ko kasi sa pagsinghot at pagbahing ko. Hindi ko na mabilang kung nakakailang beses na ako roon pero napause ko ang pinapanood ko kung sino naglapag ng bote sa mesa ko. All of a sudden, naalala ko ang lalaki dati. 'Yung nakasama ko noon dito at naglapag ng chocolate drink. Naalala ko ang mukha niya kaso pagkurap ko ay ibang mukha na ang nakita ko.
Nanlalabo pa ang mga mata ko nang magsalita siya. "Uh, for your..."
Biglang naaalala ko naman ang lalaking nakasama ko almost 4 years ago. Kaso napakurap ako saglit bago basahin ang nakalagay doon. Calamansi juice. I needed this. "T-Thanks.." Nautal pa ako saglit dahil iniisip ko pa kung siya ba talaga ang nakasama ko dati. Kasi malakas ang pakiramdam ko na siya iyon.
At dahil nga, malakas ang kutob ko ay mahina kong tinulak ang upuan para umupo siya. Inalok ko pa ang isang earbud ko. "Nood ka?" Sana nanonood na siya ng Marvel Movies. Hindi ko talaga makakalimutan na sinuggest ko sa kanya na panoorin niya 'yun.