[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It always feels surreal.
"How's your day?" he asked as I ran and greeted him with a warm hug. He hugged me tighter, making me giggle.
"Still the same, so damn fine." Hindi ko alam kung sarcastic ang pagkasabi ko kasi natawa siya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko saka ako nilayo para hawakan ang magkabilang pisngi ko.
Hindi talaga ako makapaniwala na kami na. Parang kailan lang ay naiinis pa kami sa isa't-isa.
"Nasa South Park 'yung mga sakit sa ulo. Tara." Natunaw ang puso ko nang ngumiti sya sa akin bago kunin ang mga librong hawak ko. Never akong naexcite sa pagpasok sa school at pag-uwi galing school dahil nakakasama ko si Geo. He's my strength and my happy pill.
"Anong ginagawa nila roon?" tanong ko habang magkahawak kami ng kamay.
"Birthday ni Venn," sagot niya kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko alam!
"Bili tayo ng gift!" natataranta kong sabi kaya napatigil siya sa paglalakad at napatingin siya sa akin.
"Hindi na niya kailangan ng gift. Maraming pera 'yun," sabi niya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. "Sabihan mo na lang na, Happy BirthdayVenn, gift ko sa'yo 'yung Iphone XII, bili ka na lang! masaya na siya roon kasi naalala mo ang birthday niya," pagbibiro pa niya. Siya ang naunang tumawa pero pinanood ko lang siyang tumawa. GAGO BAKIT BA ANG GWAPO MO??!
"Anong gagawin sa South Park?" tanong ko nang sumakay na kami kay Cap.
"Maglalaro," simpleng sagot niya at sinuotan ako ng seatbelt. Hinayaan ko lang na suotan niya ako at habang inaabot niya ang strap sa tabi ko ay hinalikan ko ang pisngi niya na nagpatigil sa kanya saglit. Napatingin siya sa akin na may namumulang tenga kaya napabuga ako ng mahinang tawa. Hinawakan ko ang mukha niya at binigyan siya ng sunod-sunod na halik sa pisngi niya.
"Ang ganda ng shade ng lipstick ko ngayon ah," pagpupuri ko sa lipstrick marks na nasa pisngi niya.
"Alam mo ba kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko ngayon?" bulong niya sa akin na nagpalaki ng mga mata ko.
"Ha?" Sa una, hindi ko siya nagets pero pinagmasdan ko lang ang namumula niyang tenga at pinipigilan niya ang ngiti niya na nagsimulang magmaneho. Hindi ko mapigilang matawa dahil sobrang pula na talaga ng tenga niya!
Kahit gusto ko lang hayaan ang lipstrick marks sa mukha niya ay kinuha ko ang wipes sa campartment ni Cap. Pero laking gulat ko na may make-up remover dito. "Hmm?" Napansin niya ako nang ipakita ko sa kanya ang bagong bili na bottle ng make-up remover kay napasulyap siya saglit sa akin.
"I bought it, para kung gusto mong tanggalin ang make-up mo rito," diretso niyang sagot.
Napatango ako saglit at napangiti. Habang kumukuha ako ng wipes ay may naisip ako. "Akala ko naiwan ng babae mo."