[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Everything continued spinning. Kahit manhid na akong nakatapak sa pamamahay namin ay nararamdaman ko pa rin ang mga salita ng magulang ko pero nawawala na lang din kasi sanay na ako.
Sanay naman kasi ako sa mga salita nila hanggang sa sinabi nilang pumasok na ako sa kwarto. Mabuti na lang hindi na nila pinansin ang pag-irap ko sa kanila. Pumunta na lang ako sa kwarto at nagulat ako nang makita si Nang Beth na pinupunasan ang picture frame ko.
Nawala na lang bigla ang bahid ng lungkot ko dahil tumakbo ako para yakapin siya. Mukhang nagulat siya sa roon kaso niyakap din niya ang mga bisig ko at sinayaw ako saglit. "Tandaan mo na mahal kita, Lai ha?" bulong niya na nagpadilat sa akin sa oras na ito. Nang humiwalay ako sa kanya ay humarap siya sa akin at napangiti.
"Usap muna tayo."
Sumunod lang ako sa kanya paupo sa kama ko pero hindi ko pa rin matanggal ang titig ko sa kanya. May nararamdaman akong kakaiba. Parang masama ang kutob ko.
"Anong kukunin mo kapag college ka na?" seryoso niyang tanong na nagpatameme sa akin. Isang program lang ang pumasok sa isipan ko pero alam kong 'yung magulang ko naman ang magpapasya kaya hindi na ako nag-aabala pang mag-isip.
Ningitian ko siya para ipaalala na hindi na ako nagpapasya sa buhay ko pero ningitian pa rin niya ako. "Ano ba talaga ang gusto mo?" pang-uulit niya kaya nawala ang ngiti ko.
"Allied Health.." bulong ko at napabuntong hininga. "Gusto ko pong maging Chiropractor tulad po kay Tita Crissa," dagdag ko kaya napatango siya.
Tita Crissa is my mom's younger sister. And she's a Chiropractor. But she died due to an accident. It was devastating that time. She's really my favorite Tita. I also promised her to be a Chiropractor like her and build a clinic. Proud na proud siya sa akin sa mga binitawan kong salita pero hindi ko naman inaakalang 'yun na ang huli naming pagkikita.
"Piliin mo 'yun," bulong ni Nang Beth at hinigpitan ang paghawak ng kamay ko. Tinitigan ko lang siya nang binigyan niya ako ng isang mahinahong ngiti. "Kung hindi man matuloy ang engagement niyo ni Minute, atleast nakapagtapak ka sa gusto mong kurso 'di ba?"
May point siya pero iniisip ko rin kung hindi man matuloy ang engagement ay panigurado, mas lalo lang nila akong ipapaghigpitan.
"Kung umatras po si Minute?" pang-uulit ko.
"Atleast, magiging Chiropractor ka 'di ba?"
"Paano kung mas lalo nila akong hinigpitan? Ibahin nila ang mga gusto ko sa buhay?" I exhaled. My head is twisting as hell. Parang gulong-hulo na ako sa buhay ko. Hindi ko alam kung sino na ba ang susundun ko. Ipit na ipit na ako.
"Hindi nila gagalawin ang gusto mong mapag-aralan," nakangiti niyang sabi kaya napakunot ang noo ko. Nakaramdam na ako ng kakaiba lalo na't sinuklay niya ang buhok ko. I also saw her eyes collecting her tears but her smiling face is I want to see right now.