Her 47

123 15 16
                                        

warning: wala lang, warning lang HAHA

"Lai, ayos lang naman sa akin kung tanggalin ang damit ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Lai, ayos lang naman sa akin kung tanggalin ang damit ko."

"No."

"Luh." He made a face. Hindi ata naniniwala na kaya kong gawin ang Chiropractic Adjustments kahit may damit siya. Nasa kwarto niya kami ngayon dahil nagp-practice ako para sa isang major course namin.

"Higa ka na," utos ko habang nakaekis ang mga bisig kaya napakamot siya ng batok habang gumagapang sa kama niya.

Hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko dahil kinakabahan ako, baka magkamali ako ng adjustments. 'Yun ang kinakatakutan ko. Nagpapractice naman kami sa school pero sa isang dummy! Tinuturo ang Musculoskeletal System ng isang tao pero parang hindi ko pa kaya kay Geo lalo na't first time ko na mag-isa lang ako.

"You'll do good." Napansin niya siguro ang mukha ko. Medyo kumalma rin ako kaya tumango ako.

Dumapa na siya sa kama niya. Nawala lang bigla ang lakas ng loob ko kaya napailing ako. Bahala na, hindi ko muna sasagarin. Dahan-dahan akong sumapa sa kama kaya napabangon siya agad siya at bakas ang takot sa mga mata niya. 

"Kaya ko ba?" kinakabahan niyang tanong kaya natawa ako.

"I'll be gentle," pagpapagaan ko ng loob niya pero parang hindi siya naniwala. Nagdadalawang-isip pa siyang bumalik sa pwesto niya.

Bago pa siya tuluyang dumapa ay tiningnan niya ulit ako. "Siguro, next time na lang."

Napakibit-balikat ako. "Sige, iba na lang ang gawin natin," aya ko pero bigla siyang napadapa.

"Ready na ako," pambawi niya kaya napairap ako.

Natatawa ako kung gaano umiiwas si Geo sa mga ganitong usapan. Sobrang kapal ng pasensyang inipon niya at ang hirap ukitin. Kaya sa huli ay mapapagod ka lang mang-akit.

Kung kinakabahan ako kanina sa gagawin ko, ngayon ay kinakabahan ako sa mararamdaman ko kung mahawakan ko na siya. Bago pa ako makaisip ng kung ano ay napapailing ako. Si Ever kasi, kung ano-ano ang tinuturo sa akin. Nagiging marumi lalo ang utak ko. Tama bang turuan akong mag-ihip? Hmmp. Tuwang-tuwa pa siya sa reaksyon ko. Nabanggit ko lang na naghalikan na kami noong Sockie Blast ay nagbigay na ng mga payo.

Pero hindi ako makafocus kasi ang likot ni Geo nang pinipindot ko ang likuran niya, "Huwag kang makiwa." Napatingin tuloy siya sa akin na seryosong pinapakiramdman ang mga hinahawak ko.

"Makiwa?" tanong niya.

"Waray-waray ng malikot," sagot ko.

"Okay, hindi na ako makiwa." Natawa ako sa sinabi niya at saglit siyang niyakap ang likuran niya.

"Tinatamad na ako." Humiga ako sa likuran niya kaya narinig ko siyang napaungol siya nang maramdaman ang bigat ko.

"Ano gusto mong gawin?" tanong niya kaya napahighik ako na nagpatigil sa kanya.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon