Him 15

175 18 24
                                        

Now Playing: Ikaw Lang by NOBITA

"Dapat sinabi mo na may date pala kayo! Para bigyan kita ng tips!" sigaw ni Vertex mula sa video call at kitang kita sa screen ang nanliliit niyang mga mata dahil sa pagkadismaya na hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dapat sinabi mo na may date pala kayo! Para bigyan kita ng tips!" sigaw ni Vertex mula sa video call at kitang kita sa screen ang nanliliit niyang mga mata dahil sa pagkadismaya na hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko.

"Huwag na," natatawang sabi ko habang nagmamaneho papunta sa bahay nila Saturday.

"Saan kayo nito?"

"Hmm, mall?" Hindi pa ako sure pero 'yun talaga ang plano ko.

"HUWAT? MALL?" Napakunot ang noo ko. Bakit ganyan reaksyon niya? "SA MALL NIYO BA SA RIVERSPARK CITY NA METROMALL? LAYO NUN BRUH."

"Ingay mo," nasabi ko na lang.

"Ingay mo, Vertex. Sinong kausap moㅡUy Geo!" Inagaw ni Ever ang phone ni Vertex kaya mukha na niya ang nakikita ko sa screen.

"Hi," bati ko.

"Uy! Alagaan mo si Saturday ha? Sana all may date!" Isa rin 'tong si Ever na sumisigaw. Hindi na ako nagulat na magkasama sila. Palagi naman silang magkasama since highschool.

"Hoy. May date kaya tayo ngayon," singit ni Vertex at nagmake-face si Ever sa screen. Natawa na lang ako sa kanila. 

"Geo! Gwapo mo pa rin sa black t-shirt!" pagpupuri ni Ever matapos makita ang suot ko. Simpleng black t-shirt, black pants at sinuot ko ang dogtag ko. May dala akong maong na jacket pampadagdag lang ng porma. Wala rin naman akong gaanong damit dahil dito talaga ako comfortable.

"Mas gwapo pa sa akin?" nagtatampong tanong ni Vertex. 

"Si Geo kaya pinakagwapong nilalang na nakilala ko," natatawang sabi ni Ever kaya kitang-kita ko kung paano nabagsakan langit at lupa ang mukha ni Vertex.

"Hindi ko sinagot ang tawag mo para maglandian kayo sa harapan ko," mabagal na sabi ko habang tumitingin sa daan.

"Shocks!! Ang haba ng sinabi ni Geo!! Ganyan ba kapag inlove?"

"Bye," paalam ko nang makarating sa bahay nila Saturday. 

"Best wishes!" sigaw nila kaya inend ko na ang video call. Kinuha ko ang phone ko sa phone holder para ichat si Saturday na andito na ako pero biglang bumukas na ang gate kaya agad akong napatingin doon.

Kusa akong napangiti nang makita si Saturday na naarawan. Nasilaw ako sa kagandahan niya na suot ang isang puting bestida. Nakaayos din ang buhok niya kaya mas lalo kong nakikita ang maamo niyang mukha.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon