[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I can really feel that something is about to end. I also feel that everything I do in this town will be the last. How do I remain keeping my image as a strong person when I am about to give up anytime? Do I really deserve everything that is happening to me?
"Ano na namang ginawa mo?" pataray kong tanong kay Saturday. I wanted to take my tone back by laughing, but I wanted to continue what I started. Tulad noong pinaggagawa ko rin dati. Nakokonsensya na nga ako nang napatayo siya sa bench na inuupuan niya. Mukhang natakot sa pananalita ko kaya agad napayuko. Napabuga na lang ako ng mahinang tawa bago umupo sa tabi niya.
"Sorry, Style. I am really sorry for what happened."
"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko at hinila siya para makaupo ulit.
"Kung hindi ko nilabas ang nararamdaman ko, hindi magiging ganun si Geo.."
Tumawa ako at pinakalma siya. "Hey," bulong ko habang tinatapik ang balikat niya. "Chill ka lang. Hindi ako galit." Nanlulumo niya akong tiningnan. Napabuga na lang ulit ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Binigyan ko siya ng ngiti bago napatingin sa langit. Totoo talaga 'yung sinasabi nila.. nakakalmang tingnan ang langit.
"Ano na ang naramdaman mo pagkatapos mo ilabas ang nararamdaman mo sa kanya?" tanong ko at mukhang nagulat na naman siya sa asta ko. Ano ba ang ineexpect niya? Sugurin ko siya, sampalin, sipain at iyakan? Hindi naman. Inaamin kong medyo may pagka-ganun ako pero hindi ko ulit 'yun magagawa sa kanya. Hindi deserve ni Saturday.
"Gumaan ang pakiramdam?" Kahit patanong ang sagot niya ay naramdaman kong seryoso siya sa sinagot niya. "Dapat kasi dinahan-dahan ko lang. Argh, nakakainis 'yung alak.." Tumawa na naman ako na sinisi pa niya ang alak. Nakapahawak pa siya sa ulo niya na mukhang naguguluhan pa siya sa pinag-iisip niya.
"Pero dahil doon, narealize ko talagang siya pa rin ang mahal ko.." dagdag niya.
Napakunot ang noo ko.
"Si Geo?!" pasigaw kong tanong.
Agad siyang napailing nang maraming beses.
"Si Minute!" pagkaklaro niya kaya pinakita kong nakahinga ako nang maluwag. Masyado siyang natataranta at hindi mapakali. Nakakatuwa dahil bagay na bagay sila ni Minute.
"Mahal na mahal ka niya, Style," sabi pa niya at napasandal sa bench. Pabagal nang pabagal ang hininga ko habang binubuksan ang loob kong makinig. "Hindi nga lang niya alam kung paano ilalarawan ang nararamdaman niya sa'yo pero mahal na mahal ka niya. Sobrang lakas ng loob niya kaya naramdaman ko talaga na napakalakas ng kapangyarihan ng pag-ibig. Naisip ko rin na sobrang deserve niyo ang isa't-isa dahil kaya niyong gawin ang lahat para sa isa't-isa. Natutuwa ako kaya doon ko rin siya pinasalamatan na dahil sa mga naramdaman ko dati, narealize kong mahal na mahal ko pa rin si Minute. Wala pa ring nagbago," natatawa niyang dagdag. Hindi ko mapigilang mapangiti kung gaano siya kasaya ngayon.