Now Playing: betty by Taylor Swift
"Geo, Geo, mabait! Magaling!" pagche-cheer ni Dom at Billion habang nilalapag ko ang fries at coke float sa harapan nila, pataas-baba pa ang mga kamay. Walang hiya, nagpabili rin ng burgers. "Geo, Geo, nainlove, magaling!" Napatigil sila sa pagche-cheer at natawa sa kagaguhan nila. After last subject ko kanina ay nakaabang ba sila sa labas ng room kaya no choice na ako.
"Kailan pa kayo naging close?" tanong ko nang pinanood silang kumain ng fries.
"After party, bro," sagot ni Dom. "Kaba-kaba pa silang dalawa kaya pinakalma namin. Halos mahimatay pa si Billion sa bahay nila Ever."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Billion.
"Okay. Balik sa topic. Anong alam mo, Billion? Kanina pa hindi nakakahinga si Geo," tanong ni Dom para sa akin at doon na niya inayos ang upo niya.
"Let's start from the very beginning," pag-eenglish niya. Pero napatigil siya sa pagsasalita at napatingin kay Dom. Napatingin din ako kay Dom dahil sobrang lapit niya kay Billion na parang siya ang mas interesado kay Style. Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya napalunok siya at lumayo nang kaunti.
"Seloso ka naman," bulong niya kaya napailing ako bago tinuon ang pansin si Billion.
"2nd year highschool..." panimula niya at muling napatingin kay Dom dahil mas lalo niyang nilapit ang mukha nito para makinig. Muli ko siyang tiningnan kaya napaatras siya.
"Sorry naman! Excited masyado!" sabi niya. Para tumahimik ay binigay ko ang coke float ko. Masaya nitong tinanggap kaya tumahimik na siyang kumain.
"Si Style.. uhmㅡpaano ba sabihin 'to.." napahawak siya sa sentido niya kaya napakunot ako ng noo.
"She's a walking marshmallow?" nagdadalawang-isip niyang dagdag. "Malayong-malayo siya sa Style na kilala niya ngayon. Noong highschool ay palaging binubully siya dahil sa katawan niya at si Minute ang tumutulong sa kanya. Hanggang sa nahulog na siya kay Minute. Nang sinabi ng parents ni Style na ieengage siya kay Minute kasi masyadong maliit ang mundo, pinilit ng Mom niya na magreduce siya ng weight hanggang sa nakilala ni Minute si Saturday."
"Ow, ang sakit sa side ni Style," bulong ni Dom habang kumakain ng fries.
"Yep. Kilala ko si Minute. Wala talaga siyang nararamdaman kay Style. Hanggang 3rd year highschool, ang laking timbang na nabawas sa kanya to the point na hindi na namin siya nakilala. She used to be sweet, fearless and cute noong nakilala namin siya pero nang nalaman niya na gusto ni Minute si Saturday.. doon na siya nag-iba. Kaya mas lalo namin siyang hindi nakilala. Para na siyang kontrabida at ibang tao." Kumakain na rin si Billion ng fries habang nakatingin lang ako sa mesa.
"Siguro before maggraduate ngayong college, iaannounce ang official engagement nila. Dapat talaga, noong highschool, iaannounce sa engagement na pag-18 na sila, paplanuhin na ang kasal pero hindi natuloy ang engagement dahil ayaw ni Minute. Ayaw niya talagang masaktan si Saturday kaya sinabi ni Minute sa magulang niya na tatlong taon pa, bigyan siya ng tatlong taon. Ang akala nila, kailangan pang mag-aral ni Minute pero hanggang ngayon, nag-iisip pa siya ng pwedeng gawin para hindi matuloy ang engagement nila at hindi malugi ang kumpanya nila."
BINABASA MO ANG
Geometric Style
Humor[EDITING] South Orwell Series #1 Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...