Her 56

132 12 10
                                        

  "Wait, si Geo ang natutulog kanina sa baba?" Frankee asked while straddling on the chiropractic table

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 
"Wait, si Geo ang natutulog kanina sa baba?" Frankee asked while straddling on the chiropractic table. I was checking her back since andito lang din naman siya bukod sa binibisita ako.

"Yep." Napabuntong-hininga ako at pumunta sa lamesa ko para uminom ng tubig.

"Ilang araw na siyang ganun?" Lumingon siya sa akin at inaalala ko kung kailan siya nagsimula sa 'trabaho' niya.

"2 weeks."

Hindi ko rin naman siya maalis kasi mukhang kailangan niya talaga ng pera at tulog. Hindi ko alam kung ano ang mga plano niya ngayon. Inaalala ko pa naman ang pinapatayo niyang mall sa isang town na kalayuan dito. Besides, marami-rami na rin ang pumupunta sa café. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa ako kung ipapatuloy ko pa ba ang ginagawa niya. Nagiging higaan na nga siya ng mga pusa roon pero mukhang ayos lang sa kanya.

"I think, he still loves you."

Bigla akong nasamid kahit nalunok ko na ang iniinom ko. "Frankee, I still remember kung paano niya sabihin na wala na siyang nararamdaman sa akin," pagdidiin ko at nagulat na lang ako na tinuro niya ako habang malapad ang ngisi sa akin.

"You're disappointed what he said that time that's why your denying the fact what we see today." Sa tono niya ay para siyang tumama sa jackpot kaya napailing ako.

"More like, ayokong masaktan," paglalaban ko sa sarili ko.

Napakibit-balikat siya at kinuha ang phone sa purse na nakapatong sa chiro table. "May sinend sa akin si Side noong before college graduation. Nag-inuman sila and vinideo-han niya si Geo na umiiyak..." Napatayo ako sa nalaman ko pero hindi siya nagpatuloy sa pagsalita dahil narealize niya ang sinabi niya. Kaya napailing siya at awkward na ngumiti habang tinatago ang phone niya.

"Patingin ako." Lumapit ako sa kanya. Umiling namin siya kaya tinutok ko sa kanya ang massage gun bilang panakot. "Sinabi mo na eh! Pakita mo na!"

"Huwag na, baka makonsensya ka," mahina niyang sabi pero umiling ako.

"Andito naman ako eh. Andoon naman siya sa baba kaya anytime pwede ko siyang puntahan!" mabilis kong sabi kaya napatawa siya bago kunin ulit ang phone niya.

Bigla niya itong tinago nang inopen niya ang convo nila ni Side. Patago niyang hinanap ang video na sinasabi niya. Ewan ko ba kung tama bang papanoorin ko ang video na 'yun pero nacurious na kasi ako.

"Naging kayo ni Side, 'no?" tanong ko pagkaupo sa chiro table. Hindi siya sumagot at napanguso.

"Ah, engage na pala sila! Nakita ko sa Twitter nila!" pag-iiba niya agad ng topic pero doon din ako nacurious.

"Sino?" tanong ko at pumunta siya sa Twitter niya at pinakita sa akin ang Twitter account na sinasabi niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang header nila.

"Wow! Kailan pa? Bakit hindi natin alam?" Inistalk ko ang iba pa nilang tweets at nagulat ako nang isang month pagkatapos kong umuwi napost ang mga picture ng singsing.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon