[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Orientations pa lang ng mga kinuha naming course, naririnig ko na ang mga kaklase kong nagrereklamo. Pagod na raw sila kaya nakakapagtaka na advance ata masyado ang nararamdaman nila. Hindi ko rin sila masisisi dahil nakakapagod talaga makinig at paulit-ulit na magpakilala sa klase.
Pinasok ko rin ang iba kong courses pagkatapos ng lunch. Ganoon lang ang nangyayari sa buhay ko ngayong pasukan. Napakaboring. Paulit-ulit. Kaya siguro binigyan ako ng mga kaibigan para naman maging makabuluhan ang buhay ko.
Iyon lang ang nasa isip ko hanggang sa patapos na ang klase. Kung kaklase ko ngayon ang ibang sakit sa ulo, baka asarin nila ako na mukhang bangkay na pumapasok dahil wala akong reaksyon buong oras.
Kinuha ko na lang ang phone ko para tingnan kung ano na ang ganap nila.
---
Saturday Sundays
4:32PM
Side:
So, ano? Habang buhay 'tong gc name naten?
Vertex:
Hayaan mo na
Gusto naman ni Geo
HAHAHAHAHAHA
Venn:
Hoy
'Yung seatmate ko
May bagong corn
Nagpapasa ako HAHAHAHAHAHA
---
Napailing ako habang binabasa ang mga chat nila. May pasok pa ba ang mga 'to? Lakas makachat din kasi eh. Mas lalo akong napailing, gago talaga 'tong si Venn. May mga babae kami sa group chat pero hinayaan ko na lang since open minded naman si Ever. Si Saturday nga lang hindi mahilig. Hinahayaan na lang niya.
Nagsisimula na ang klase kaya mas lalo silang nag-ingay dahil marami silang mga kuwento tungkol sa mga bago nilang classmates, mga nakilala nilang magaganda at i-a-add friend daw nila, at ano-ano pa tungkol sa school. Binabasa ko rin naman ang mga ganap nila. Hindi ko rin mapigilang matawa sa mga nababasa ko roon. Hindi naman siguro puro kunot-noo o iling ang reaksyon ko. Kahit papaano, natatawa pa rin ako.
Kaya lang, mga kuwento ni Saturday ang hinihintay ko. Mukhang hindi siya masyadong nag-o-online tuwing gabi. Napapaisip tuloy ako ng mga bagay-bagay, baka hindi niya lang gusto mag-online o ano. Hindi rin kasi siya mahilig gumamit phone. Nagpipinta lang siya tuwing gabi.
---
Reddie:
Labasan na namin
Sino na labasan dyan
Venn:
Bawal labasan
Nasa room pa
Vertex:
Gago ka Grams hHAHAHAHA
Side:
Hoy ano 'yan
HAHAHAHAHAHHAA
Dom:
Tsk
Puro kabastusan
Venn:
Sus ganito topic kaya nagsisilabasan kayo HAHAHAHHA
Dom:
Hoy hindi kaya
Good boy ako.
Sinusuway ko nga kayo.
Papasa nga mamaya
Side:
PUTA YAYA
Dom:
POTA RIVERA ANO BA 'YANG YAYA NA 'YAN
Reddie:
Hanggang ngayon di mo parin gets kung bakit yaya? HAHAHAHAHAHHAA
---
Mabuti na lang ay hindi ko na pinansin ang trip nila Venn. Baka tuluyang matanggal ang ulo sa kaiiling. Napansin nga ni Vertex ang gawain kong ito sa kanila, nilakasan pa ang loob ko dahil exercise na raw iyon sa ulo at leeg ko. Bago ko pa makalimutan, labasan na pala ni Reddie kaya nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ba ako dahil mainit sa labas. Pero gusto ko na ring umuwi.
Paglabas ko ng room ay nakita kong palabas si Saturday. Tumakbo ako palapit sa kaniya.
Bago pa ako tuluyang makalapit at tawagin ang pangalan niya, may lumapit sa kaniyang lalaki. Hindi ko iyon kilala. Matangkad din ito at maputi. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil hindi ko suot ang salamin ko. O baka sadyang malayo pa sila mula sa akin. May nagsisimulang kumulo sa loob ko nang makita na may pilyo itong ngiti kay Saturday.
"Uy, Sundays. Hindi mo ba talaga ako papansinin? Parang hindi tayo magkaklase," natatawang tanong nito pero nakita kong may kinuha si Saturday sa bag niya at pinakita ang payong.
"Gusto mo bang paluin kita nito?" tanong niya pabalik at papaluin sana 'yung lalaki pero pinigilan siya nito.
"Ganyan ba ang tatakbo ang organization officer? Hindi kita bobotohin niyan," dramang sabi nung lalaki.
"Eh 'di, huwag. Ayaw ko rin namang manalo. Tigil-tigilan mo nga ako, Rogers."
Nag-iba bigla si Saturday at iniwan na doon ang lalaki na tumatawa pa sa kinatatayuan niya. Napayukom ako ng kamao dahil sa ginawa niya. Ang nararamdaman kong pagkulo sa loob ay masasabi kong galit. Ang lakas ng loob para asarin at inisin si Saturday. Susugurin ko sana 'yun para makipag-usap hangga't maaga pa kaso may pumigil sa akin.
"Huwag muna ngayon, Metro," pagpapakalma sa akin ni Divide at inakbayan ako, gumagana na ang pagiging father-figure. "Balang araw masusuntok mo rin 'yan sa mukha," dagdag niya at hinayaan niya akong panoorin ang lalaking naglakad palayo habang tumatawa-tawa pa. Kahit mukhang gago ang mga kaibigan ko, mukhang siya ang pinakagago na nakita ko. Hindi nakakatuwa ang pinaggagawa niya kay Saturday.
Kahit binabalutan pa ako ng galit ay hinarap ko si Divide, may alam siya sa lahat. "Magresearch ka tungkol sa gago na 'yan." Bago pa ako makaalis ay narinig ko ang reklamo niya.
"Isang linggo pa lang ang pasok! May research na agad?"
Hindi ko siya kilala at wala namang nababanggit si Saturday tungkol sa lalaki na 'yun. Gusto ko sanang hanapin si Saturday na tumakbo palayo dahil sa gulo ng nararamdaman ko. Gusto ko siyang tanungin. Halo-halo ang nasa loob ko at hindi ko matukoy kung anong meron sa akin. Basta, ang alam ko ay masama ang pakiramdam ko simula sa nangyaring iyon.