[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang masasabi ko lang ay mapayapa. Mapayapa kaming nakaupo sa student's lane at hinihintay na may matapos kami sa binabasa namin. Tapos naman akong mag-aral kanina kaya pinagmamasdan ko ang mga kasama ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim dahil hindi sila nagtatanim ng sama ng loob. Hindi na rin nila binukas ang issue na nangyari dati dahil si Saturday na mismo nagsabi sa amin na huwag na kaming magpadala sa galit.
May dahilan ang bawat nangyayari.
Anong klaseng dahilan na iyon para tanggapin niya lang?
"Ang sisipag niyo ngayon," bati ni Side na bitbit ang gitara niya. Umupo siya sa tabi ni Dom na seryosong nagbabasa ng libro.
"Huwag kang magulo," sabi naman ni Reddie na nakahiga sa bisig niya at may nakatakip na libro sa kanya. Kada minuto ay sisilip siya sa binabasa niya at ibabalik na naman sa pagkatakip ng mukha niya. Siguro, may sinasaulo 'to.
"Dudugo na ang utak ko ngayon." Napahahawak pa si Saturday sa ulo niya.
"Kahit naman sulyapan mo lang 'yang binabasa mo, matatandaan mo na eh," sabi ni Ever habang nagbabasa at nagsosolve sa papel niya.
"Uy, grabe. Hindi naman. Slight lang."
Mabuti na lang talaga, wala nang nangt-trip kay Saturday simula noong kinausap ko si Style. Paminsan, nakikita kong nagpaplano si Style kasama ang mga alipores niya pero nang nakikita ako ay napapasama ang tingin niya at naglalakad palayo mag-isa.
Siguro natakot.
Halos lahat kami nagbabasa ngayon, maliban kay Venn na nakangiti na naman habang may pinapanood sa phone niya. Hindi na lang namin pinakialam kasi mukhang masaya naman siya sa pinapanood niya.
"May pupuntahan lang ako." Pagtayo ko ay napatingin silang lahat sa akin.
"Maya ka na, Geo. Turuan mo muna kami rito!" Sinenyasan pa ako ni Dom na umupo ulit kaya sumunod na lang ako. Isang minor subject na kung makaasta ay major subject.
"Omg! Frankee!"
Nakita namin si Frankee sa kalayuan. Napahawak siya sa dibdib niya sa gulat nang sumigaw si Ever. Tumingin siya sa direksyon namin at kumaway. Sinenyasan siya ni Divide na pumunta rito kaya naglakad palapit si Frankee. Aba, mukhang nagkakamabutihan si Divide at Frankee ah.
"Hello! Ang sisipag natin ngayon ah?" natatawang bati ni Frankee at umupo sa tabi ni Divide.
Wow, ngingiti-ngiti 'tong si Fernandez.
"Saan ka papunta?" tanong ni Divide na parang aso kung ngumiti. Inismiran ko tuloy siya. Siya nga ata itong pafall. Ampota.
"Ah, may 4 PM subject ako sa building na 'yun."
"Talaga? Papunta rin ako roon. Sabay na ako sa'yo." Napatingin sa akin si Divide at may parang pinapahiwatig siya. Nandiyan na ba sa kanya ang hinihingi ko? Hindi natapos ang pagsasalita ni Divide dahil may biglang sumingit.