[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Nakakamiss pala si Side."
"Bukas, uuwi na 'yun."
"Nakakamiss din si Saturday. Busy masyado sa election."
"Hindi ba't umayaw siya?"
Naramdaman kong napatingin sa akin sila Vertex at Divide na nag-uusap. Naitanggal ko tuloy ang tingin ko sa binabasa kong libro at tiningnan sila. Hinihintay ko ang tanong nila pero nagkatitigan lang kaming tatlo. Hindi na lang ako sumagot at pinatuloy ang pagbabasa at pagsosolve ng equations na nasa libro.
Ilang araw na simula ang date namin, iniwasan ko na si Saturday.
Para sa amin itong dalawa.
Tama siguro 'to.
"Hi Sat!"
Nawala na naman ang atensyon ko sa binabasa ko at balak ko sanang umalis dito para maglakad palayo pero inakbayan ako ni Vertex. "Napaghahalataan kang iniiwasan mo siya. May nangyari ba?"
Napalingon ako. Walang Saturday kaya sinamaan ko sila ng tingin.
Hindi ko siya sinagot kaya napabitaw siya sa akin. Gulong-gulo.
"Dude. Bumalik na naman sa pagiging bato," rinig kong bulong niya kay Divide.
Huminga ako nang malalim bago ibuhos ang buong atensyon sa ginagawa ko. Walang pumapasok sa utak ko pero pinipilit ko pa ring intindihin ang mga salita.
Iniisip ko pa rin kung tama ba 'tong ginagawa ko dahil parang sinasaktan ko lang lalo ang sarili ko.
Paminsan kinakausap ko ang sarili ko na tama 'tong ginawa ko. Para rin naman 'to sa kanya. At tuluyan akong lumayo kasi nakikita ko naman na masaya siya kay Minute. Sila na ang magkasama simula kahapon kaya 'yun ang nagtulak sa akin na 'wag na sumali sa litrato nila.
Masaya naman siya sa akin 'di ba?
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
"AAAH!" Natauhan ako nang tumili si Venn na may hawak na phone. Mukhang may nilalaro siya roon at nanonood sila Dom at Reddie sa gilid niya.
"Pucha! Magtago ka sa ilalim ng lamesaㅡAYAN NA!" sigaw din ni Dom at may tinuturo sa phone niya.
Habang ang dalawa ay nanlalaki ang mga mata at natatakot sa nilalaro nila, si Reddie na nakangisi, parang nag-eenjoy sa pinapanood niya at sa reaksyon ng mga kasama niya.
"Ano na naman 'yang nilalaro niyo?" tanong ni Divide.
"Sleep and Hide. 'Yung sikat na laro ni D'One!" pakilala ni Venn pero bumalik ang tingin niya dahil sa tili ni Dom. "PUCHA MAMAMATAY KA NA!" Tumili rin si Venn na may hawak ng phone kaya si Dom na ang humahawak ng controls para hindi sila mamatay. Si Reddie naman tawa nang tawa sa mga tili ng katabi niya.
Nagtaka ako kung bakit tumayo si Vertex at naglakad palayo. Pero doon ko napansin si Ever na may nailapag na notebook sa harapan ni Divide kaya napakunot ang noo nito. "Pinapabigay ni Poppie."