[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tahimik kaming lahat na nakaupo sa student's lane. Si Divide ay hawak-hawak ang sentido niya habang nag-iisip. Si Ever naman ay nakalagay ang noo sa mesa. Si Vertex ay nakatingin kay Ever at hindi na ako nagulat nang inangat niya saglit si Ever para ilagay ang kamay niya para patungan ng noo niya.
Si Dom ay nakakunot ang noo habang tahimik na pinapanood sila Ever at Vertex. Si Side ay yakap-yakap ang gitara, pero hindi siya tumutugtog. Si Reddie at nahiga sa mga bisig niya. Samantala si Venn ay may pinapanood sa phone niya. Kagat pa ang labi at pinipigilan ang ngiti nito.
Nararamdaman ko na nakatingin sa akin ang lahat. Alam nila na galit ako sa ginawa nila. Gusto kong sabihin kung gaano ako nadismaya. Kaso ramdam na nila iyon.
"Sorry, Geo. Wala kaming excuse sa ginawa namin," panimula ni Divide. Sumunod na nagsalita ang iba kaya napatango ko.
Ipapahupa ko na lang muna ang galit kaya pinili ko nang manahimik.
"So, nadetention si Saturday?" pagbabasag ng katahimikan ni Vertex.
Napakamot ako ng noo ko at iniwas ang tingin.
"Ang daming nangyayari kay Saturday," iyak ni Ever kahit walang luha. "Magtatatlong buwan pa lang ng klase." Bumangon na siya at pinatong ang ulo sa bisig niya. Nakasimangot siya kaya ang kaninang pigil-ngiti ni Vertex ay napalitan ng simangot nang makita ang mukha ni Ever.
"Sa tingin niyo, sinasadya 'to?" Napatingin kaming lahat kay Divide na parang imbestigador sa posisyon niya.
"Ever, wala siyang nakukwento sa'yo?" tanong ni Dom kay Ever at agad itong umiling.
"Hindi pa kami nagchichikahan ng matino since first day of class."
First day.
Sinalubong ko ang tingin ni Divide na naghihintay ng salita ko at napakibit-balikat na lang.
"Kung magkakasama lang tayo, asaran lang. Walang kwentuhan kasi diretso uwi," sabi pa niya kaya napahimas si Vertex ng likuran niya. "Ano ba!" Siyempre, naiirita na si Ever sa nangyayari kay Saturday at sisingit pa si Vertex.
"Una, nalock-an siya sa stock room ng 6th Floor. Ngayon, may kumuha ng phone," sabi ni Side.
"Baka sunod, buhusan na ng tubig."
Napatingin kaming lahat kay Venn na may pinapanood sa cellphone niya. Nang maramdaman na nakatingin kami sa kanya ay dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa amin na para bang inosenteng bata.
Sesermunan sana siya ni Divide nang pinakita niya ang dalawang palad niya. "Hep! Hep! Sinasabi ko lang 'yun para makapaghanda tayo!" sigaw ni Venn habang nakapikit.
"Teka, tayo ba dapat ang humanda?" Ngayon, ang tingin nila ay napunta sa akin. Kinunutan ko sila ng noo dahil nakangisi pa sila sa akin.
"What?"
"It's your time to shine, dude! Magiging knight in shining armor ka na!" Inakbayan ako ni Vertex at gumagawa pa ng sign sa ere.
"Tangina," sabi ko.
Agad siyang napalayo sa akin habang hawak-hawak ang dibdib niya. Ang iba rin ay mukhang nagulat at kanya-kanyang pose na gulat sa sinabi ko.
"Huy, kanina pa tayo minumura ni Geo," iyak ni Reddie habang nakatakip ang bibig niya.
"Ayan kasi plano 'yun ni Side!" pagsusumbong ni Dom.
Agad napatingin si Side na classy na hawak-hawak ang dibdib niya. "Oh? Ako pa ang may kasalanan? Sumunod naman kayo eh!"
Bago pa sila mag-ayaw ay napatigil sila nang niyakap ni Saturday na bagong dating ang leeg ni Side. "Uy bebe, is that you?" Hindi makalingon si Side kaya kinapa niya ang ulo ni Saturday.
Tumawa si Saturday at sunod na niyakap si Dom na nasa tabi ni Side. "Huy.. ayoko pang mamatay.." bulong niya kaya lumayo agad si Saturday at napakunot ng noo.
"Hindi naman nakakamatay ang yakap ko ah?" nagtatampo niyang tanong at padabog na umupo sa gitna nila. Palihim nila akong sinilip sa reaksyon ko pero wala akong maibigay na reaksyon.
Hindi naman ako nagseselos kasi kaibigan ko naman silang lahat. Alam kong sweet lang talaga si Saturday sa iba.
Kinuha ko bigla ang inumin ni Divide at ininom 'yun.
Nakakailang mura na ba ako ngayong araw?
Kasi tangina.
Sana ako rin... sana ako rin, Saturday.
"Buti hindi natuloy ang detention ko," masayang panimula niya. "Kinausap ko kasi si Prof nang matino. Grabe galit nun. Buti andoon pa si Prof. Go. Thank you, Uncle ni Reddie." Nagpupunas siya ng pawis niya gamit ang likod ng kamay niya.
Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at palihim na inabot kay Vertex. Nagtaka siya nung una pero tinanggap niya 'yun. Palihim rin na inabot kay Ever. Hindi na nagtaka si Ever dahil alam niyang panyo ko 'yun.
"Umamin ka nga sa amin, Saturday." Inabot na rin ni Ever ang panyo na nagmumukhang sa kanya kaya agad tinanggap ni Saturday at pinunasan ang pawis niya.
"Uhm? Anong?" Hindi natapos ang tanong niya dahil tinitingnan niya kami na nakatingin lahat sa kanya. Nang nagkasalubong ang paningin namin ay agad akong umiwas ng tingin. Napayukom ako ng kamao sa ilalim ng lamesa. Napapalunok din ako dahil sa galit.
Galit? Sa sarili ko. Sa nangyayari.
"Sino 'yung kasama mo nung gabi?"
Bumalik ang tingin ko sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin. Nang makita akong nakatingin sa kanya ay siya naman ang umiwas ng tingin.
Napuno tuloy ng tanong ang utak ko.
Bakit tinitingnan niya pa rin ako kanina?
Anong mangyayari kung umamin ako kanina?
"Uhm.. he's.." Napaangat ang tingin niya habang nag-iisip ng sagot.
"No lying, Saturday. Please be honest. Nag-aalala kami," mahinahong sabi ni Ever kaya huminga nang malalim si Saturday habang nakapikit.
Pagdilat niya ay ibang Saturday na ang kasama namin ngayon. Isang malungkot na Saturday. Nilalaro lang niya ang mga daliri niya habang napapakagat ng ibabang labi sa kaba.
"He's Minute Rogers.. 'yung kasama niya ay si Billion Miles.."
Nagulat kaming lahat nang napapalo ng lamesa si Reddie at napahalakhak. "Atlast! Hindi lang ang pangalan ko ang weird sa mundong ito!"
Sinamaan siya ng tingin ni Ever kaya umupo siya na parang tuta. Napaubo pa siya. "Sige. Sorry. Tuloy, Saturday."
"He was my friend."
"Friend?" kalmadong sumingit bigla si Divide. Parang naninigurado ang tono niya.
Napatigil si Saturday at kitang-kita sa mga mata niya na nahihirapan siyang magsalita. Nahihirapan siyang ilabas ang nararamdaman niya.
"H-He.. Okay." Napabuntong-hininga siya at tumingin ng diretso sa amin. "He was more than that."
Natahimik kaming lahat kaya napayuko ako.
Kaya ko bang makinig?
"B-But.."
"Okay. Shh. Huwag na lang muna sa ngayon, Saturday. Kung handa ka nang sabihin sa amin, andito lang kami." Hinawakan ni Ever ang kamay ni Saturday kaya huminahon na siya at napatango.
Katahimikan na naman ang bumalot sa amin.
Napatigil na sa panonood si Venn at parang batang lumilipat-lipat ang tingin sa amin.