Her 57

130 14 7
                                        

"Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa'yo?" tanong ni Minute habang nilalaro ang articifial spine na niregalo niya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa'yo?" tanong ni Minute habang nilalaro ang articifial spine na niregalo niya sa akin. Bored daw siya sa Central kaya nambubulabog sa clinic ko. Nabanggit ko ring hindi pa nagpaparamdam sa akin si Geo at sa ngisi pa lang niya ay alam kong aasarin na naman niya ako.

"4 days," sagot ko habang binabasa ang libro about chiro sa couch sa loob ng office ko. As expected bigla siyang napaohhh at napapalakpak.

"Hindi ka na niya mahal," he concluded while pointing at me. Sinamaan ko na siya ng tingin.

"Tumahimik ka nga, mahal niya ako at ikaw ang hindi na mahal ni Saturday." 

Bigla siyang napapikit kasabay ang paghawak sa dibdib niya. "Bumalik sa akin ang balang pinutok ko. Aray.. aray.." Umakto pa siyang nabaril hanggang sa napahiga na siya sa chiro table. Napailing na lang ako at pinatuloy ang pagbabasa ko. Ang bilis ng panahon at ang daming nangyari.

Tapos na si Geo magtrabaho sa pinagtatrabuhan niyang call center, kilala niya pala ang may-ari kaya napag-usapan nila ang tungkol doon. Sakto na rin ang ipon niya dahil din sa pagtatrabaho niya sa café. For almost how many months, bumalik na rin siya sa Metromall para ayusin ang ibang dapat ayusin at nakipag-usap sa Papa niya. Hindi ko pa naman alam kung anong pinag-usapan nila at hinihintay ko na lang na sabihan niya ako.

Nagkikita pa rin kami ni Geo tuwing may mga oras kami. Kaso medyo napapadalas ang pagiging busy namin sa trabaho pero naghanap pa rin kami ng oras para sa isa't isa.

Well, sa mga nangyari ngayon ay may kinasal na sa barkada, may kakaibang naganap, may kakaiba talaga at basta, ang pumapangibabaw sa akin ay magcoconcert si Taylor Swift at inaabangan ko ang Online Ticket Selling dahil makikipagsabakan akong bumili ng ticket.

"Ang suplada mo naman. Buntis ka na ba?" inis niyang tanong kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Hindi pa, gago. Umalis ka na nga. Hindi naman kita pasyente. Baka ikaw ang maging pasyente sa ospital." Tumayo na ako para pagtabuyan siya pero tinuro niya ulit ako.

"Ah! Natutuyo ka na 'no? Talo pa rin ba?" Una, hindi ako talo at pangalawa, nagets ko ang pangalawang meaning ng tanong niya kaya pinalo ko na ang balikat niya.

"Anytime, pwede niya akong diligan. Eh ikaw? Hindi ka na mahal ni Saturday," pag-uulit ko kaya napahawak na naman siya sa dibdib niya.

"Nananaket ka na ah!"

"Doon ka na nga kay Billion! Palipad ka ng eroplano para hindi ka nambubulabog dito sa clinic ko!" sigaw ko.

"Busy sa kahahabol si Billion," nakangusong sabi niya.

"Doon ka kila Divide!" pagtataboy ko pa.

"Duh, honeymoon."

Napabuga ako ng hininga. "Kay Ever!"

"Bawal mambulabog doon." Mas lalo siyang napanguso.

"Kay Dom!"

"Baka gawin akong taga-hugas sa resto niya."

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon