His Last

259 19 48
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

"Sayaw tayo?"

Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. Pinatayo ko siya at dahan-dahan kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko. Tila may kapangyarihan ang ngiti niya na nagpapalutang sa akin sa ere. Akala ko sa mga nababasa at sa mga pelikula lang itong pinagsasabi nila pero ngayon na nararamdaman ko, wala na akong iniintindi.

Nanginginig ang mga kamay ko sa paghawak ng beywang niya. Kinakabahan ako. Ako itong nag-aayang sumayaw tapos ganito ang mararamdaman ko.

"Uy. Chill lang," natatawang sabi niya dahil napansin niya siguro ang mga kamay ko. Saglit niyang hinawakan ang kamay ko para alalayan sa beywang niya.

Napalunok ako.

Puta, 'yung puso ko.

"Tumingin ka sa aking mata at hindi mo na kailangan pang magtanong nang paulit-ulit. Ikaw lang ang iniibig."

Halos malalim na ang gabi sa park kung nasaan kami ngayon at may mga kumikinang na ilaw na nakapaligid sa amin.

Nahugot ko ang hininga ko nang isandal niya ang ulo sa dibdib ko. Kumalma ang puso ko saglit nang makita ulit ang mga ngiti niya. "Geo, ang ganda. Thank you." Lumayo siya sa akin at nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"Saturday."

"Hmmm?"

"I like you," bulong ko, pero hindi niya 'yun narinig dahil nagulat siya sa sunod-sunod na fireworks sa itaas. Agad siyang napatingin doon kasabay ang
paglakas ng tugtog.

Sa oras na 'yun, doon ko naikumpara ang sarili ko sa bawat panahon na takot ang dumadaloy sa akin. Nakikita ko ang sarili ko na naduduwag dahil sa unang babaeng ginusto ko. At sa unang beses kong nabuksan ang puso ko, pumangibabaw sa akin ang punto na gusto kong sumaya siya.

'Yun lang.

Kahit hindi sa akin. Kahit sa ibang lalaki na lang. Basta masaya siya.

"'Yung ice cream! Matutunaw na!" Tumawa siya habang tinuturo ang hawak ko na halos dumaloy na sa popsicle stick. Tinawanan ko na lang ito habang hinuhuli ang mga tumutulong ice cream.

As I recalled those memories, I saw Saturday holding my heart by her smiles and laughters. It was indeed one of my comforting view, far from the reality.

     
     
     
    
   

"Tabi, mga putanginang shits!"

How funny, someone just made my whole self confused from what I just built within me. Akala ko talaga ang mga tipo ko ay katulad ni Saturday na simple at palangiti... pero itong babae na 'to...

"Oh ano? Sinasadya mo ba 'to? Hindi ko na nga ginagalaw si Sundays! Uso rin distansya, Metro! Pisting yawa."

Oo, itong babae na 'to.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon