[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
warning: sensitive scenes ahead. read at your own risk.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ate Lai, where's Kuya Geo?"
Napatigil ako sa pagpunas ng bibig ni Styler sa tanong niya. Napatitig muna ako sa kanya bago napabuntong-hininga. Nilapag ko ang tissue sa table namin at hinarap siya ng may ngiti sa labi, "He can't go here, Ler," malungkot kong sabi kaya napanguso siya. Nawala na rin ang ngiti ko.
I lied to him. I told him that we're at my mother's side, having a family dinner. Pero nalaman ko na lang na napakaengrande ng party na ito at nandito rin ang mga partner nila sa negosyo nila. Hindi ko naman kasi alam, nabulabog lang ako ng nanay ko dahil may bago siyang binili na dress.
Nasa isang table lang kami ng kambal dahil ayokong humiwalay sa kanila. Pakirmdam ko kasi ligtas ako sa kanila at humihinahon ako.
Ang ibang mga nandoon ay may kanya-kanyang champagne glass at nagkukuwentuhan. Ayaw ko namang sumama sa mga maulang ko na makipagplastikan sa iba kaya chinachat ko na lang si Geo sa ilalim ng lamesa. Nasa KTV bar sila ngayon at pinapasama niya ako. Gustong-gusto ko talagang sumama kaso bumigat ang pakiramdam ko lalo nang makita ang pamilyang Rogers na sinalubong ng mga magulang ko.
Nataranta ako dahil parang may bumagbagbag sa loob ko. Gusto kong sabihan si Geo. Gusto kong ilabas ang kabang nararamdaman ko pero sobrang daming nangyayari nang itago ko ang phone ko sa purse ko at napatayo para batiin ang mga magulang ni Minute.
"Hi Style! So pretty." Nakpagbeso-beso ako sa Mom ni Minute.
Mas lalo akong naguluhan dahil nakita kong nakangiti ang mga magulang ko habang binabati ang mga magulang ni Minute. Natutunaw ang puso ko nang makita silang proud na proud habang nakikipagsalamuha sa kanila.
Gusto kong umiyak. Gulong-gulo na ako.
Hindi na natahimik ang puso ko dahil halo-halo na ang emosyong umiikot dito. Hindi na rin ako makaisip nang maayos at naramdaman ko na lang na may namumuong luha sa mga mata ko. Pero ginawa ko lang ang lahat para ngumiti at hindi ako umiyak ngayon.
Tama ba 'to? Itutuloy ko pa ba 'to? Ano na ba ang ipaglalaban ko? Kaya ko pa ba siyang ipaglaban? Bakit nanghina na lang ako bigla nang makitang masaya ang mga magulang ko para sa akin?
"I heard you went to Leyte with Minute! Musta ang bakasyon niyo roon? Hindi ko matanong kay Minute kasi we're busy." Nagsalita ang Mom ni Minute kaya napabuga ng mahinang tawa ang anak niyang mukhang unggoy. Tuwang-tuwa sa kasinungalingang natanggap ng mga magulang namin.
"It's fine.." nagdadalawang-isip kong sagot dahil naiisip ko si Geo. Naalala ko ang mga masasayang alaala roon.
Hindi na ako nakapagreply sa kanya. Gustuhin ko mang kunin ang phone ko para kamustahin siya kung ano na ang ginagawa nila roon kaso katabi ko ang nanay ko. Hindi ko rin magalaw ang pagkain ko pati hindi ako makahinga nang maluwag.