Him 35

148 17 26
                                        

Dumating na sila Saturday kasama si Minute at Billion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumating na sila Saturday kasama si Minute at Billion. At pagtapak ni Billion sa bahay namin ay nagsigawan ang mga sakit sa ulo na parang inaasar siya kaya bigla itong napalundag sa kinatatayuan niya sa gulat.

"Sana all Paskuhan!" sigaw ni Vertex habang akbay-akbay si Ever.

"Sino ulit kasama mo sa Paskuhan sa UST, Billion?" tanong ni Divide kaya napakamot ng batok si Billion.

"Sino ba?" tanong ni Side habang ngumunguya ng tinapay.

"Si ano!" singit ni Minute.

Biglang napaturo si Side gamit ang hawak niyang tinapay. "Ahhh! Si ano!" Mukhang sila lang nagkakaintindihan kaya napailing ako at uminom ng kape.

"TAMA NA PLEASE!" sigaw ni Billion at hinayaan lang naming magsigawan sila sa pamamahay ko.

"Ano 'yung kape mo?" tanong ni Style at nilapit sa kanya ang kapeng iniinom ko. Uminom din siya sa baso ko at napakunot ang noo niya dahil mukhang napaitan sa black coffee.

"Hindi mo lang lalagyan ng asukal?" tanong pa niya.

"Iinom ka rin ba kung lalagyan ko ng asukal?" tanong ko habang hawak-hawak ang tinapay na kinakain ko.

"Baka ayaw mo ng asukal," mahina niyang sabi at uminom ng tubig.

"Pwede rin. Baka hindi ko rin maubos 'yung kape," sabi ko kaya inabot na niya ang asukal para lagyan ang mug ko.

"Sana all," matigas na sabi ni Venn habang pinapanood kami ni Style. Hindi na lang namin siya pinansin at patuloy lang kaming kumain.

"Andito na pala 'yung marinated barbeque kaso hindi pa nakatusok," sabi ni Minute at pinatong ang isang malaking tupperware sa lamesa. "So, sinong alam magtusok ng karne sa stick?" tanong pa niya at natahimik ang lahat.

"Si Style! Style, alam mo pa magbarbeque 'di ba?" Tinuro pa ni Billion si Style na napatigil sa pag-inom ng kape.

"Sana all iisa lang ang baso!" sigaw ni Vertex at agad humiwalay kay Ever. "Mommy, iinom tayo kape. Timpla ka roon," biro pa niya kaya bigla siyang pinalo sa braso.

"Ha?" reaksyon ni Style sa sinabi ni Billion.

"Hindi ba't nagbabarbeque kayo dati ni Nang Beth?" paalala pa ni Billion kaya napatingin ako kay Style. Dahan-dahan siyang napatango at napatingin din sa akin.

"Okay," sabi niya kaya nagsaya ang iba. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan si Style. Nakababa lang ang mahaba niyang buhok, suot na niya ang sinuot niya kagabi at suot din niya ang kwintas na binigay ko sa kanya. Hindi man siya nakamake-up ngayon, ang ganda pa rin niya sa oras na 'to.

"Help me, okay?" sabi pa niya sa akin kaya agad akong tumango na nagpangiti rin sa kanya.

"Atlast, magagamit na natin ang regalo ni Divide kay Geo na barbeque grill," sabi pa ni Dom.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon