[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Geo?"
Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa locker nang marinig sa tabi ko si Saturday. Alam kong darating ang araw na 'to. Unti-unti ko ring natanggap na hindi ko talaga siya kayang layuan dahil kaibigan ko siya. Huminga ako nang malalim at sinara ang locker ko. Tiningnan ko siya kaya napaayos siya ng tayo.
"Sorry.."
Bigla akong napakunot ng noo ko dahil siyang napayuko bigla sa harapan ko. Nang marealize kong humihikbi na siyakaya nataranta ako.
"S-Sorry.. hindi ko alam kung ano ginawa ko bakit hindi mo ako pinapansin.. sorry.."
Agad kong kinuha ang extra kong panyo para ibigay sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak at hindi ko magawang hawakan siya dahil alam kong ayaw niya nun. Nabanggit niya 'yun sa akin noong kinukwentuhan niya ako. At hindi iyon nawawala sa utak ko.
"Sorry.. pansinin mo na ako.. please.."
It's been weeks. Ang lahat ng naipon kong lakas ng loob para tatagan ang loob ko ay naglaho nang makita at makausap siya ulit.
Napapikit ako nang naririnig ang mga hikbi niya. Pagdilat ko ay nararamdaman ko na may namumuong luha sa mga mata ko. Nangangawit na rin ang kamay ko dahil hindi pa rin niya kinukuha ang panyong inaabot ko.
"Wala kang kasalanan.." bulong ko nang kinuha na niya ang panyo at pinunas ang mukha niya.
"Bakit hindi mo ako pinapansin?" para bata niyang tanong kaya napapunas ako ng luha ko gamit ang likuran ng kamay ko.
"Busy lang. Sorry.."
Gusto ko siyang yakapin. Napapamura na lang ako sa isipan ko dahil sa pagpipigil kong mayakap siya. Hinintay at pinanood ko siyang pinapakalma ang sarili niya bago harapin ulit ako na maga ang mga mata.
"B-Bati na tayo..?"
Para saan pa para pigilan ang sarili ko na yakapin siya? Wala na akong inaksayang segundo at binalit siya ng mga bisig ko. Umiyak na naman siya sa dibdib ko kaya hindi niya marinig ang nababasag kong puso sa loob. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko at sabay kaming umiyak.
"Huwag ka na umiyak, anuba," natatawang bulong ko at pinunasan ang mukha niyang pulang-pula.
"Ikaw kasi!"
"Nagpansinan na sila!" Biglang lumabas ang ibang sakit sa ulo sa room malapit sa amin kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Hoy! Bakit kayo nag-iiyakan?" natatawang tanong ni Side na pinupunasan din ang luha niya habang kinukuhaan kami ng video.
"Group hug!" Bigla silang lumapit sa amin ni Saturday at naggroup hug.
Pero itong si Vertex ay si Ever lang ang niyakap.
---
Akala ko magiging okay na ang lahat pero mukhang bumabalik na naman ang nararamdaman ko kay Saturday. Hindi naman talaga nawala 'yun eh. Sadyang dinistract ko lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay kaya akala ko nawala na pero andito pa rin pala. Kaso, may napapansin ako... hindi ko maipaliwanag pero alam kong hindi na ito parehas ng dati. Pakiramdam ko, namamanhid na ako.