Him 06

251 33 19
                                        


Saturday Sundays

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saturday Sundays

10:02 PM


Dom:

Can't sleep

Ever:

Upuan?

Dom:

Upuan????

Ever:

Chair

Dom:

Chair???????

Ever:

Chair mo lang

---

Saktong pagkatapos kong magshower, hindi ko mapigilang mapakunot ng noo sa nababasa ko sa group chat. Hawak-hawak ko ang phone ko habang pinapatuyo ang buhok ko. 

Mabuti na lang walang pasok bukas kaya mukhang makakabawi ako sa pagtulog. Nag-iisip na ako kung ano ang gagawin ko ngayon. Manonood ba ako ng movie? Marvels? Simulan ko kaya sa pinakauna? 

Dahil hindi pa ako nakakapagpasya, hinayaan kong bukas ang phone ko para tingnan ang mga sunod-sunod na mensahe nila.

---

Dom:

Really

Can't sleep

Bakit kasi yaya ang tawag niyo sa akin

Hmmp

Hala hi Saturday!! Nagseen ka

Tulog na u?

Saturday:

Can't sleep din :((((

---

Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Saturday. 

Iba na talaga. 

Iba talaga ang tama ko sa kaniya.

Kaso hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman kasi ako madaldal tulad nila. Wala rin akong maisip na topic. Kaunti lang din naman ang interes ko.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon