[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Aminin mo na kasi, Divide, crush mo pa ako kaya mo ako inaasar."
Pikon na pagmumukha ni Sery ang bumungad sa akin sa student's lane. Mukhang inaasar na naman ni Divide na malawak ang ngisi habang namumula na siya sa inis.
"Sus! Ikaw nga 'tong nagkacrush sa akin dati!" asar ni Divide kaya bigla siyang dinapa ni Sery sa lamesa at nilagay pa ang bisig sa likuran nito. Napasigaw sila Vertex sa gulat. Ayan, mang-asar pa. Deserve.
"MANDIRI KA NGA!" sigaw niya at hinihigpitan ang paghawak niya sa pulso ni Divide. Napapasigaw na siya sa sakit pero sila Venn ay tuwang-tuwa sa panonood ng paghihirap niya.
"Aray! Sery! Masyado mong pinaparamdam na mahal mo akoㅡARAY!" Napasigaw lalo si Divide nang tinuhod na ni Sery ang likuran niya.
Nang umupo na ako sa upuan ay napangiti sa akin si Sery. "Hi Geo!" Binigyan pa niya ako ng isang matamis na ngiti kaya binigyan ko rin siya ng isang matamis na ngiti. Pakidiinan pa, Sery Laine. Para rin 'yan sa pinaggagawa ni Fernandez habang nasa training ka ng production team sa Central.
"Ang sweet mo naman sa iba tapos pagdating sa akin, super sweet mo," sarcastic na sabi ni Divide habang minamasahe ang mga bisig niya pagkatapos siyang pakawalan.
"Hi Dom!" bati ni Sery kay Dom na naglalakad palapit sa amin. Tumakbo siya palapit kay Dom kaya nakabuka na ang mga bisig niya para yakapin siya ni Sery.
"Sus! Parang dati lang, kinikilig ka lang sa akin," madramang sabi ni Divide kaya napalingon sa kanya si Sery at sinamaan ng tingin.
"Kayong dalawa, palagi kayong nag-aaway," pangsesermon ni Dom habang nakasakay si Sery sa likuran nito. Pero binagsak niya si Sery kay Divide kaya binuhat niya si Sery na pang-bridal.
"Ibaba mo ako!" sigaw ni Sery.
Hindi nakinig si Divide at tumakbo ito palayo habang bitbit si Sery.
"Luh, bagong kasal." Kararating pa lang ni Ever sa kinauupuan namin at umupo sa tabi ni Vertex.
"Bakit? Gusto mo rin?" tanong pa ni Vertex.
"Hindi mo nga ako mabuhat dati," natatawang asar ni Ever kaya napakamot ng batok si Vertex.
"HAHAHAHA! 'Yung highschool graduation natin?" natatawang paalala ni Dom kaya natawa rin ako. Naalala ko pa rin 'yung kahihiyan nila.
"Please! Huwag mo nang ipaalala!" sigaw ni Ever at tinakpan ang tenga niya.
"Nasaan pala si Side?" tanong ni Dom. 'Yun din ang napansin ko. Wala si Side ngayon kahit ganitong oras ay labasan na nila. "Ah, kasama ni Frankee, may binili lang sila."
Napakurap ako sa narinig ko. Si Side? Kasama si Frankee? Bago 'yun ah. Ay, hindi bago 'yun. Dahil napakaimposible 'yun.
"Hi guys." Napalingon kami kay Reddie at hindi siya nag-iisa, may kasama siyang babae. Napakunot ang noo namin, lalo na kay Venn dahil mukhang kilala niya ang babae.