Him 07

241 28 7
                                    


Saturday Sundays

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saturday Sundays

11:56 PM

Saturday:

Sorry sa abala, Geo HUHUHUHU

Pero THANK YOU SO MUCH!!!

THANK YOU TALAGA HUHUHU

MYGOSH NAKAKAHIYAAAAA!!!

---

Hanggang ngayon, ay binabasa ko pa rin ang message sa akin ni Saturday. I just left it seen because I don't know what to say. However, I feel so appreciated. I mean, palagi namang pinaparamdam ni Saturday sa amin na naappreciate niya kami.

"Mamememorize mo na 'yang message ni Saturday," sabi ni Divide na nasa tabi ko. Nakaupo kami sa bench ng student's lane ng school namin at hinihintay ang labasan ng iba. It has been days since that night. And I keep reading her message until now. Namumukha na ata akong hibang kaya tinago ko na ang phone ko at muling binasa ang librong hawak ko.

"You're planning to continue Tito Geon's business? Metronde?" tanong pa niya at tumango na lang ako.

"That's the plan."

"So, plano mo rin ba na umamin kay Saturday?" 

Napatigil ako sa pagbabasa at napahawak nang mahigpit sa libro. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano kasi wala pa akong planong umamin sa kaniya. I still remember when we first met and what I felt that time is what I'm feeling until now. Natatakot akong umamin.. baka masira lang pagkakaibigan namin.

"Ah, may nalaman pala ako kay Rogers at Sat." Napatingin ako agad kay Divide. "Friends ata sila noong 3rd year high school hanggang 4th kaso lumipat ng school si Saturday."

Friends dati pero galit si Saturday sa kaniya.

May nangyari siguro.

"Be right back."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Lumabas ako sa campus. Hindi na siya sumunod dahil hinihintay pa niya ang ibang sakit sa ulo. At siguro, kailangan ko ring mag-isip. Naappreciate ko rin naman na concern ni Divide sa feelings ko kay Saturday dahil first time niya akong nasaksihan na ganito. Kaso gusto kong ako ang makafigure out nito.

Kahit may store na malapit sa school namin ay dumeretso ako sa Southern Mart na medyo may kalayuan. Sa sobra kong pag-iisip, andito na ako sa tabi ng Nursery School. Napatigil saglit para pagmasdan ang mga bata na naglalaro. Naalala kong mahilig pala si Saturday sa mga bata.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon