[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
They said, you need to remember the important memories that will make you happy in order to acknowledge what makes life beautiful.
Just the happy thoughts.
But damn, how can I remember what happened to me if each of them is vanishing in my mind and all I know is it was hard to recall. I thought it was the nature in me. I thought that was normal just because I have a lot of things to do. Or maybe, I'm more focused in the present days.
I can't even remember the one of the most beautiful memory with her that time.
But now I can.
"Merry Christmas, Geo!" Masayang nilapag ni Divide ang isang malaking regalo. Lahat ng mga kaklase ko ay nagtawanan at naghiwayan nang makita kung gaano kalaki ang box. Ang pagkakaalam ko ay something small ang nilagay ko para sa gustong kong matanggap sa exchange gift namin.
At since malakas ang trip ni Divide Fernandez, mukhang kabaliktaran pa ang binigay sa akin.
Mas lalo akong napasapo ng noo nang makitang barbeque grill ito.
Hindi nga kami nagbabarbeque??
Napapabuntong-hininga na lang ako habang nagpaplano kung paano ko 'to maiuuwi.
Pagkatapos ng Christmas Party namin ay pikit mata kong binuhat itong kahon. Tinawanan lang ako ng mga nagpapasakit ng ulo kong sila Vertex, Venn, Divide, Reddie, Dom, Side at Ever habang naglalakad pauwi sa mga bahay namin. Hindi na lang ako nagreklamo kahit nagmumura na ako sa isipan ko. Naglakad lang ako pauwi sa bahay at binagsak ang kahon sa garahe. Pumasok na lang ako sa bahay para matulog sa kwarto.
Sumakit ang ulo ko rito kaya itutulog ko na lang ito.
"Geo?" May yumakap sa likuran ko at sigurado akong si Mama 'to. "Merry Christmas," bulong niya kaya napangiti ako kahit inaantok pa ako.
"Aalis muna kami ng Papa mo at babalik bukas mismong Pasko," bulong niya kaya napatango ako. Sanay naman akong umaalis sila pero alam ko namang bumabalik sila lalo na sa mga Holiday na 'to kaya hindi ko magawang magtampo tuwing umaalis sila kasi alam ko naman na para sa akin ang ginagawa nila.
"Sumasakit ba ang ulo mo?" Napansin niyang nakapikit ako nang mariin dahil medyo masakit ang ulo ko. Baka kulang lang 'to sa tulog o sadyang mainit lang kanina.
"Ano, magpapacheck up na tayo?" nag-aalala niyang tanong. Agad akong umiling dahil ayokong pumupunta sa ospital. Simula noong grade 5 ay ayaw kong makakita ng mga injections. Ang sakit nun sa katawan at para akong hindi makagalaw sa dami ng benda ng buong katawan ko. Ayaw ko nang bumalik doon kaya kailangan kong mag-ingat palagi at gagawin ko ang lahat para hindi nako magkasakit.
"Itutulog ko na lang, ma," bulong ko kaya pumayag na lang din siya. Niyakap niya ulit ako mula sa likod hanggang sa nakatulog na naman ako.
Pagkagising ko, okay na ang pakiramdam ko. Tulog lang pala ang kailangan ko para maging okay kaya ito ako ngayon, tinititigan ang kahon at iniisip kung anong gagawin ko rito. "Should I donate you?"