[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakakalungkot.
"Ang taba-taba mo!"
"Balyena!"
"Ang pangit mo!"
Nanatili lang akong nakayuko at naglalakad habang sinusundan nila ako kung saan ako papunta. Gusto ko silang harapin at tanungin kung mga elementary pa ba sila. Kaso ayoko munang makipag-away lalo na't bago pa lang ako sa school. Highschool na highschool, nakikipag-away pa ako dahil lang iniinsulto nila ako? Walang makakatalo kung paano ko iniisulto ang sarili ko kaya sorry sila.
"Hoy, Style Harris." May humarang sa dinadaanan ko pero ayokong iangat ang paningin ko dahil alam ko kung saan ito patungo.
"Bumalik ka na sa probinsya! Bagay ka sa tirahan ng mga kalabaw kasi mukha kang tae," sabi pa niya at nagtawanan ang iba. Pilit ko mang hindi pansinin ang sinasabi nila pero inaamin ko namang nasasaktan pa rin ako sa pinagsasabi nila. Gusto ko lang naman mag-aral at mabuhay nang tahimik. Kailangan pa ba talaga ilait?
"Kinakausap pa kita!" Dinaadan ko lang siya kaya hinablot niya ang bag ko pabalik sa pwesto ko kanina at saka siya hinarap. Kilala ko 'to, si Xandra. Siya ang nagbubully sa akin noong elementary.
"Kung ikakamatay mo ang pagdedma ko sa'yo, hahayaan na lang kitang mamatay." Punong-puno na ako sa kanya at pasalamat siya ay pinapaalala sa akin ni Nang Beth na mas mabuting balewalain ang mga ganitong tao dahil nagpapapansin lang sila.
"How dare you!" Sasabunutan niya sana ako kaso nauna ang pagtabig ko sa kamay niya gamit ang bisig ko. Halos matumba siya dahil lampa siya. Hindi ko na lang siya pinansin at dinaanan na lang sila.
Parang gusto ko na lang mag-aral sa probinsya. Mas pipiliin ko na lang doon kaysa rito.
Wala na akong alam sa pagf-file ng annulment ng magulang ko. Ayoko ring pag-usapan pero 'yun ang naririnig ko sa mga sigawan nila sa bahay. Gustuhin ko mang tanungin si Nang Beth kung anong mangyayari sa buhay ko pero mukhang masasaktan lang ako lalo kaya hinahayaan ko na lang.
2nd year highschool, parang hirap na hirap akong maghanap ng kaibigan. Walang lumalapit sa akin at natatakot akong lumapit sa kanila kaya tinatatak ko sa isipan ko na hindi ko kailangan ng kaibigan.
"Ha? Wala ka pa ring friends?" tanong ni Nang Beth habang hinahain ang mga pagkaing niluto niya. Hapunan na at siya ang kasama ko sa dining room. Hindi naman kasi kami nagsasabay kumain ng magulang ko dahil masyado silang busy at paminsan, sa mga gathering lang kami sabay-sabay kumain.