Chapter Theme: Hurry Home by
No Rome ft. beabadoobee, Jay SomI just remembered what happened years ago. I can say that those were somewhat.. the bad things. I've been bullying Saturday because of Minute. I've degraded people because I don't want them to look down on me. I guess, I was afraid of going back to be the most wimpy fat kid that time.
And the good things that made me stronger; my twin siblings, Nang Beth, may friends and him.
I saw my life forming a different form each phases. Until it formed into something beautiful...
And he was infront of me but almost several years younger. "You're worthy," he whispered as he crept a soft smile on his face.
Alam ko naman eh. Alam ko kung saan na 'to hahantong pero hindi ko naman inakalang ganito pa rin kasakit dahil lang hindi na niya ako mahal tulad nang dati.
"All the good things, all the bad things, all the things that became better.. it's you. It will always be you. Thank you."
"If this is goodbye, I hope you'll be more successful and you'll meet someone who will love you more."
In short, tapos na kami.
'Yun lang ang huling naalala ko noong nasa boulevard kami. Ang alam ko lang ngayon ay parang tumitibok ang utak ko sa sobrang sakit. Nalalasahan ko pa rin ang tapang ng alak na ininom namin kagabi. Gusto ko mang sabihin 'yun na ang last na pag-inom ko at hindi na ulit iinom pa pero hindi ko na sasabihin dahil iinom pa rin naman ako, panigurado.
Matapos kong mapasapo sa noo ko ay doon ko napansin na nakahiga ako sa kama. Kahit nakapikit pa ang mga mata ko ay malakas na ang kutob ko na hindi ko ito higaan. Pero inaantok pa rin ako kaya tumalikod ako para makadapa. Napabuntong-hininga ako dahil naramdaman ko ang lamig ng kwarto sa beywang ko dahil tumaas pala ang dulo ng damit ko at kita na ang balat ko.
Since tinatamad pa ako ay hinayaan ko na lang 'yun at napayakap sa unan na nandoon.
Patulog na sana ang diwa ko na bigla akong napadilat dahil may nagkumot sa akin hanggang balikat ko kaya agad akong napatingin kung sino ang nagkumot sa akin.
Nahugot ko bigla ang hininga ko sa sobrang gulat. Mukhang nagulat din siya na gising na pala ako pero para akong tinakasan ng kaluluwa dahil nakapants lang siya at walang suot na pang-itaas. Tumutulo pa ang basa niyang buhok. At pucha! Bakit ako andito sa kwarto niya?!
Agad akong napabangon para makayuko. Pinunasan ko ang mukha ko kung may muta pa ba ako sa mga mata ko at pati na rin ang panis na laway sa mga labi ko. Hindi na ako nakapagreact dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Parang nilalagnat ako at tumakbo ng buong Sorwell dahil lang sa katawan niya.
Gago kasi! May abs pa rin siya hanggang ngayon! Lumaki ang katawan niya at masyado itong toned! Kitang-kita pa dahil ang puti niya.
Nakakailang lunok na ako hanggang sa narinig ko ang mahina niyang tawa kaya pinanood ko siyang kinuha ang dark red dress shirt niya at sinuot ito. Bago ko pa siya panooring magbihis ay binaling ko ang atensyon niya sa mga gamit sa loob ng kwarto niya. Ganun pa rin ang tsura ng kwarto. Wala pa ring pinagbago.
BINABASA MO ANG
Geometric Style
Humor[EDITING] South Orwell Series #1 Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...