[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"So, pinalayas ka saglit ng Papa mo dahil nahuli ka niyang nagbabalak bumili ng singsing?" tanong ko matapos siyang nag-eexplain sa akin lahat mula sa araw na nagsimula siyang natrabaho sa akin at sa call center.
"Siguro dahil mula noon ay parang konektado na ng mga pera ko sa pera nila dahil iisang kumpanya lang ang pinagtatrabahuan namin kaya madali niyang naputol ang lahat para maturuan ng leksyon pero hindi niya inexpect na nakapag-ipon ako kaya napadali kong nabawi ang posisyon ko at pumayag na siyang pakasalan kita," pagkukuwento niya kaya muli kong inangat ang kamay ko kung nasaan ang singsing.
Hindi talaga ako makapaniwala, ikakasal na talaga ako.
"Saan ka pala ng tickets? Ang bilis ah? Naubusan nga ako," tanong ko sa kanya dahil nagtataka rin ako kung paano siya nakabili agad ng ticket na ganung kabilis.
"Sery." Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko na kung gaano kalawak ang koneksyon ni Sery sa lahat ng tao sa Entertainment Industry.
"Sila Mom at Dad pala sasabihan ko na sila.." bulong ko pero mahina siyang natawa kaya napatingin ako sa kanya.
"4 days," paalala niya.
"Hmm? 4 days?" pag-uulit ko.
"Kaya ako nawala dahil kinausap ko sila sa Central."
"Ha? Kinausap mo mga magulang ko?" pag-uulit ko ulit at napatango siya.
"Oo, nagpaalam ako na nagbalikan tayo at sa oras na 'to ay hindi na kita papakawalan. Pumayag naman sila lalo na't ako ang magiging son-in-law nila," confident niyang sabi kaya sinimangutan ko siya.
"Anong ginawa sa'yo ni Dad..." Napailing ako kaya natawa siya.
"Nagpaalam na rin ako sa kambal noong sinundo ko sila sa school." Napabuga ako ng tawa. Hindi ko man lang napansin 'yun ah.
"And 'yung bahay.." pagbubukas pa niya.
"Hmmm?"
"Noong nalaman kong nasa Manila ka at pinapatakbo ang Staris, nagpagawa agad ako... ng bahay..." nag-aalanganin niyang sinabi kaya napatawa ako.
"Advance mag-isip?" natatawa kong sabi.
"May ipon naman ako. Mas pinili kong magpagawa ng bahay kaysa bumili ng condo unit," sabi pa niya kaya doon din naliwanagan sa akin na sa bahay pa rin siya umuuwi dati.
"Nasaan.. 'yung bahay?" tanong ko. Napaubo diya saglit at napasandal sa upuan ng sasakyan niya.
"Dito pa rin sa South Orwell. Sa isang bagong villa," sagot niya kaya napangiti ako.
"Kailan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa susunod. Malapit na raw matapos 'yun," sabi niya kaya napatango ako.
"Sa ngayon, kakausapin natin ang parents natin." Kung gaano siya kakalmdong sinabi 'yun ay bigla akong kinabahan nang marinig 'yun.
Sa Linggo raw ay may dinner kami ng family ni Geo kaya ilang ulit akong pumipili ng damit. Tinulungan na rin ako ni Mom pero sa huli isang simpleng dress ang sinuot ko. Inayos ko rin ang sarili ko hanggang sa bigla akong nagpanic na nasa baba na pala si Geo.