[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
3rd year college.
"Pukingina, parang gusto ko na bumigay."
And we're still together.
"Bibig mo po." Mahina kong pinitik ang mga labi niya. Halos makain na niya ang labi niya dahil sa pagkagat nito at halos malunod na siya sa mga binabasa niya.
Nasa backyard kami ng bahay namin ngayon para magreview at hindi ako makafocus sa ginagawa ko dahil kitang-kita ko ang pagkairita ni Style. Nagbabasa siya ng makapal na libro kaya maiintindihan ko namang napapagod na siya sa pagbabasa.
Inayos ko ang salamin ko dahil hindi na kaya ng loob ko na makitang sobrang pagod si Style. Sinara ko ang librong binabasa ko.
"Tara, palamig muna tayo." Pagkatayo ko ay inalok ko ang kamay ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at napasandal sa sandalan.
"Magpainit, ayaw mo?" tanong niya na may ngisi sa labi.
Style and her dirty jokes.
"Gusto mo ba silaban kita?" pabiro kong banta kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Ginaganyan mo na ako, ha." Tumayo siya bigla at diniinan ang paghawak sa balikat ko.
"Joke lang, joke lang." Napapasigaw ako sa sakit. Alam niya kung saan siya pipindot para sumakit ang balikat ko. Mabigat din ang kamay niya kaya hindi ko ikakaila na masakit din 'to mamalo.
Agad siyang sumakay sa likuran ko kaya naikabit ko ang mga bisig ko sa legs niya para hindi siya mahulog.
"Gusto mo ice cream?" tanong ko at tumango siya sa likuran ko. Bitbit ko siya habang papunta sa kotse.
"Pati siopao," dagdag niya kaya napatango ako.
Pumunta kami sa town proper at kumain sa isang bakeshop na may nagbebentang siopao at ice cream. Bumili rin kami ng tinapay para sulit na ang snack namin.
"What's this?" tanong ko habang nakalapat ang darili ko sa dibdib niya. Pinakaramdaman ko ang buto niya roon kaya napatigil siya sa pagkagat sa siopao niya.
"Sternum, breastbone," sagot niya kaya napatango ako. I've been reading her textbooks to help her review her lessons.
"Ito?" tanong ko pa habang hawak ang panga niya.
"Mandible, jaw," sagot niya.
"Ito?" Hawak ko ang bisig niya. Pinapakiramdaman ang upper part bone.
"Teka." Binaba niya ang siopao niya at pinakiramdaman din ang bisig niya. Hinahanap niya ang butong hawak ko. "Radius at.." hinawakan niya ang kamay ko at nilipat sa lower arm niya, "Ulna," dagdag pa niya.
"And this is Cranium or skull." Hinawakan niya ang ulo ko at ngumiti. That made my heart melt for this moment.
Most of the time, nags-study kami dahil matatapos na naman ang semester. At mag-s-Soctober Blast na naman. Ang bilis talaga ng oras pero tuwing kasama ko si Style ay ang bagal nito.