[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi naman ako nagmamadali sa mga plano ko dati after resignation pero napaaga ang pagpirma ko sa mga papeles na kailangan kong ilipat sa bagong mamamahala ng Staris. Para akong balisa sa pagpirma ng mg papeles at wala akong tigil dahil isa lang ang iniisip ko... siya.
"Lai, aalis ka na talaga? Pwedeng next week na lang? Or next month? Wala pa kasing date ang meeting natin sa client. Sa'yo ko sana ipapahawak," sabi ni Dad habang pinapanood akong mabilis na nagpipirma sa tambak na papeles. Magsasalita sana ako tungkol doon pero nagsalita na siya. "Oo nga pala. Napromise ako sa'yo. Sige, simulan mo na ang clinic mo. Samahan mo na lang ako at ipapakilala kita sa CEO na client natin."
Bakit ba gusto akong ipasama ni Dad? Masyado ba 'yung importante ang tao 'yun? Para sa akin, iisa lang ang importanteng tao na kailangan kong puntahan ngayon. Pero kailangan ko munang tapusin lahat ang koneksyon ko sa Staris at simulan ang tunay kong plano sa buhay. Dahil busy ako sa ginagawa ko ay tumango na lang ako kahit hindi rumerehistro ang mga salita niya sa utak ko.
Pagkarating namin sa Pilipinas ay naghanap ako ng space kung saan ako magapatayo ng clinic ko at isang lugar ang siguarado ako.
South Orwell.
Nang iexplain ko sa kanila ang plano ko ay pumayag naman sila. 'Yung kambal ay hindi nagdalawang-isip na magtransfer. Hindi ko naman sila pinigilan kaya ngayon ay inaayos nila ang transfer papers nila. Hindi rin nagdalawang-isip na magresign si Mom sa ospital na pinagpapasukan niya dati. She studied business long time ago kaya tutulungan daw niya si Dad since ilang taon na siyang tumulong sa iba. Ngayon ay tutulong na siya sa pamilya.
"May gift ako sa inyo ng mga kapatid mo." Napatigil ako sa pagpipirma at napatiingin kay Dad na nakaupo sa lamesa ko. "Nabili ko na ulit ang bahay natin sa South Orwelll."
Napaawang ang mga labi ko sa narinig ko. Napaubo siya saglit at napaangat ang tingin sa kisame. "Nabawi ko na rin ang Staris sa Central kaya doon ko iaassign ang Mom mo. Kaya babalik na lang din tayo sa bahay natin sa South Orwell."
Napabuga ako ng mahinang tawa dahil sa sobrang tuwa sa mga narinig ko. "Sino naman mamahala sa New York? Dito sa Manila?"
"Si Philip dito sa Manila at si Calum sa New York," simple niyang sagot. Napatango naman ako dahil kilala ko sila. Sila ang loyal at buong pusong tinutulungan si Dad simula noong nagsisimula si Dad, pagkabagsak ng Staris at hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin sila nang umangat ulit kami. Hindi naman ako aangal dahil deserve din nila ang mga posisyon nila ngayon. Plus ang h-hot nila! Nasa 30's sila pero ang hot talaga!
"Tapos pupunta na lang ako roon kung may importanteng gawain pero sa ngayon, focus ako sa Central kasama ang Mom mo." Napatango ako dahil masaya ako para sa kanya. Pero hindi pa siya tapos magdaldal kaya hindi ako natatapos sa pagpipirma ko.
"Naiimagine mo ba kami ni Philip at Calum na magkakasama? Para kaming mga heartthrob habang naglalakad sa mga kumpanya." Nawala tuloy ang ngiti ko dahil parang nagdadaydream siya habang inaayos ang mga butones ng polo niya sa pulso.