[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinabukasan ay laking pasasalamat ko kay Ever na siyang nakakasama ni Saturday. Kaya mukhang magkakaroon ako ng chance para ayain siya bukas.
"Date? So, it's a date?" excited na tanong ni Side sa harapan ko.
"Ha? Sinong may date?" tanong ni Divide at agad siyang napatingin sa akin. Napakibit-balikat ako habang palihim na napapangiti.
Ito na, tatanungin ko na si Saturday.
"Palapit na raw sila!" sigaw ni Side matapos tiningnan ang Group Chat namin. Agad nag-ayos ang ibang sakit sa ulo kahit nagtataka sila kung ano ang meron. Kaming tatlo lang nila Side and Ever ang nagplano para walang palya. Kasi kung marami kaming magpaplano ay sigurado mang-aasar sila buong plano.
Umayos na akong upo sa student's lane habang nakatingin sa paligid. Palubog na ang araw at kitang-kita ang pagiging ginto ng paligid. Naalala ko na naman ang nakangiting si Saturday na tinatamaan ng sinag ng araw.
Napapailing na lang ako habang tuluyang napangiti.
Dumating na si Ever pero nagtaka kami kung nasaan si Saturday. Nakita ni Ever ang reaksyon ko kaya nagsalita agad. "Tinawag siya ni Prof. Quezon." Mukhang naiirita pa siya pag-upo sa tabi ni Vertex.
"Bakit mo iniwan?" tanong Side.
"Pinaalis ako ni Prof eh. Langya naman. Ayokong umalis pero sinabihan ako ni Saturday na susunod na lang siya kasi about ata 'yun sa pagtakbo niya bilang officer ng organization nila!" sagot ni Ever kaya tumayo na ako.
"Balik ako," sabi ko at naglakad papuntang building kung nasaan ang Faculty Room.
Pero nakahinga ako nang maluwag nang makita si Saturday na may kinakalikot sa locker niya. Lalapit sana ako nang may lumapit na babae sa kanya. Teka, 'yung babaeng ash gray ang buhok.
Nahulog ang mga librong hawak ni Saturday nang binangga ng babae ang balikat ni Saturday.
May kung anong tumulak sa akin para lumapit sa kanila.
"I told you. Lumayo ka sa future fiancé ko."
"Pwede ba? Tama naㅡ"
"So, gusto mo pang mapahiya, Sundays?"
"Excuse me." Pumagitna ako sa kanila dahil mukhang nagkakainitan sila. Kita ko ang galit sa mukha ni Saturday pero huminahon nang makita ako. Pinulot ko ang mga libro niyang nahulog at hinarap ang babae kaya napaatras ito.
Hindi ako makapaniwala na ito ang babae na nakasama ko noon sa pagnood ng Endgame. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Siguro, medyo naguluhan lang ako dahil mabait naman siya noon. Ngayon ay parang ibang tao siya. Lalo na't nakaayos siya. Nakasleeveless na pang-itaas na pinatungan ng leather jacket. Nakajeans din siya at high heels. Makapal ang make-up at nakaayos ang buhok. Puno siya ng accessories kaya medyo masakit sa mata.